Bimby Aquino Yap squeals name of Vice Ganda’s "boyfriend"

Vice Ganda exclaims, “Walang duda! Anak ka nga ni Kris Aquino,” after Bimby squeals the name of his "boyfriend."


Binuking ni Bimby Aquino Yap si Vice Ganda tungkol sa rumored boyfriend nito.

Nakapanayam ng The Buzz noong December 21 si Vice Ganda para sa pelikula niyang The Amazing Praybeyt Benjamin 2, kung saan kasama rin si Bimby sa cast.

Tumabi si Bimby kay Vice habang ongoing ang live interview. Pinuri naman ni Vice ang anak nina James Yap at Kris Aquino dahil naging mabait daw ito sa set ng pelikula.

Laking gulat na lang ni Vice nang diretsahan siyang tanungin ni Bimby tungkol sa umano’y “boyfriend” nito.

“Is your boyfriend, Kevin?” tanong ni Bimby.

“Walang duda! Anak ka nga ni Kris Aquino,” sagot ni Vice.

Dagdag pa ni Vice: “Si Bimby, masarap maging anak, si Kris Aquino masarap maging ina, pero hindi sila masarap na maging kaibigan talaga! Nakakatakot.”

Sabi naman ni Kris na si Bimby mismo ay nagkuwento rin sa kanya na naririnig niyang may kausap na “Kevin” si Vice sa cellphone.

Paliwanag naman ni Vice, “"Kasi nangingialam siya lagi ng phone ko. Alam niya yung password.

"May nag-voice message sa akin ’tapos sinagot-sagot niya. Nag-uusap na pala sila sa voice message."

Nakuwento rin ni Vice na hindi siya lumalabas masyado kasama ang totoong ka-date niya dahil mga kaibigan lang ang nakakasama nito.

“Kung meron man silang nakita, kaibigan ko lang yun. Ang dami ko kasi talagang kaibigang basketball players na nakakasama ko lumalabas. Kaya yun ang pinaka-clue. Kapag nakita niyong kasama ko, hindi yun ’yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN