Yearender 2014: Pinoy triumphs around the world

Nagpatuloy ang paghakot ng karangalan ng Pilipinas nitong 2014 sa iba’t ibang larangan, dahilan upang lalong makilala ang bansa at ang mga Pilipino. Kabilang dito sina (mula kaliwa) Manny Pacquiao, Kim Chiu, Sarah Geronimo, at Kobe Paras.


Nagpatuloy sa paghakot ng karangalan ang mga kababayan natin—sa Pilipinas man o maging sa ibang bansa—nitong 2014 sa iba’t ibang larangan, kagaya ng sports, beauty pageant, show business, at musika.

Bago matapos ang taong ito, balikan natin ang ilan sa mga nagbigay-dangal muli sa Pilipinas at sa lahing Pilipino.


MANNY PACQUIAO

Muling nilagay ni Manny “Pacman” Pacquiao ang Pilipinas sa pedestal sa international boxing scene nang talunin niya ang American boxer na si Chris Algieri noong November 23, 2014 sa Cotai Arena ng The Venetian Macao sa Macau, China.

Dahil sa kanyang panalo, napanatili ni Manny ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight title.

Sa nasabing laban, anim na beses pinatumba ni Pacman ang mas bata at mas malaking kalaban na si Algieri.

Ito ang pangalawang panalo ni Manny sa taong ito dahil nanalo rin siya sa laban niya kay Timothy Bradley na isa ring American boxer noong April.

Iyon ang pangalawang beses na pagtutuos nila ni Bradley.

Una silang nagharap noong June 2012 kung saan natalo si Manny sa isang kontrobersyal na desisyon.

Inaabangan ngayon kung magaganap na ang paghaharap nina Manny at undefeated American boxer na si Floyd Mayweather Jr. matapos niyang hamunin ang kampo ni Manny na magtuos sila sa May 2, 2015.

JAIMEE HERRELL

Consistent ang Pilipinas sa pagkakaroon ng place sa international major beauty pageants itong mga nakalipas na taon. Pero medyo naging mailap ang suwerte sa mga kinatawan natin ngayong taon, kagaya na lamang sa Miss World, Miss International, at Miss Supranational pageants.

Pero ang pagkapanalo ni Jaimee Herrell sa Miss Earth 2014 nitong November 29, ay patunay na home of beauty queens pa rin ang Pilipinas.

Samantala, inaabangan naman ang kandidata nating si Mary Jean Lastimosa sa 63rd Miss Universe Pageant na gaganapin sa Florida, USA, sa January 25, 2015.


MARLISA PUNZALAN

Namayagpag ang Australia-born teen pero may dugong-Pinoy na si Marlisa Punzalan sa The X Factor Australia Season 6 at siya ang itinanghal na grand winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa edad na 15, siya ang pinakabatang contender sa nasabing reality-based singing competition at ngayon ay nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa Australia.

Anak si Marlisa nina Lito at Andrea Punzalan na parehong Pilipino at nag-migrate sa Australia, kung saan na isinilang si Marlisa.

Sa isang panayam kay Marlisa, sinabi nito na nagbabalak siyang umuwi sa Pilipinas sa January 2015 upang bisitahin ang kanyang mga kamag-anak mula sa Samal, Bataan.

GILAS PILIPINAS

“Puso.” Ito ang salitang naging bukang-bibig ng mga Pilipino nang lumipad sa Spain ang Gilas Pilipinas, ang Philippine Men’s Basketball Team, para sa FIBA World Cup nitong August hanggang September.

Sa kabila ng apat na magkakasunod na pagkatalo ng Gilas team sa iba pang team—Puerto Rico, Lithuania, Greece, at Argentina—sa preliminary round ng FIBA World Cup, pinanatili ng team ang fighting spirit nito upang manalo laban sa team ng bansang Senegal sa score na 81-79. Ito ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa world basketball arena mula nang huling sumali ang Pilipinas noong mid-1970s.

Ang pagkapanalong iyon ang nagbigay sa Pilipinas ng win sa world basketball stage pagkatapos ng mahigit 40 taon.

ROBERT LOPEZ

Naging tagumpay na rin ng Pilipinas ang tagumpay ng Filipino-American composer na si Robert Lopez, at asawang si Kristen Anderson-Lopez, bilang mga kompositor ng highly-successful theme song ng Walt Disney animated movie na Frozen, ang “Let It Go.”

Dahil dito, si Robert, 39, ay napabilang na "EGOT Family"—ang listahan o samahan ng mga nanalo na ng tropeyo ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony, apat na bigating awards-giving body sa Hollywood.

Dahil dito, si Robert ang kauna-unahang Filipino-American na nanalo ng isang Oscar.

KOBE PARAS

Just like his father Benjie Paras, nag-e-excel ngayon sa basketball si Kobe Paras na kasalukuyang naglalaro para sa UCLA Bruins.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account inanunsiyo ni Kobe noong October ang magandang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I have made my decision… I’m really happy to say that I have committed to UCLA!"

Ang UCLA mismo ang nagbigay ng offer sa 6-foot-7 aspiring basketball player.

JULIE ANNE SAN JOSE

Isang patunay si Julie Anne San Jose na minsan mas sumisikat ang underdog kesa sa grand winner.

Runner-up lamang si Julie Anne nang sumali sa Popstar Kids noong 2007, isang kiddie singing competition kung saan ang kapwa Kapuso star na si Rita de Guzman ang nanalo.

Bukod sa pagkanta, pinasok na ni Julie Anne ang pag-arte at nagbida na sa ilang acting projects.

Bukod sa isa siya sa mga ginu-groom ng GMA-7 bilang isa sa mga prime artists, nakagawa ng history si Julie Anne bilang ikatlong singer na makakuha ng Diamond Record Award sa local music industry. Sina Jose Mari Chan at Nina ang dalawa pa sa mga singers na nakakuha ng nasabing award.

Nito lamang December 13 ay naganap ang unang major concert ni Julie Anne na Hologram sa Mall of Asia Arena.

SARAH GERONIMO

November nang ianunsiyo na si Sarah Geronimo ang Pilipinang napili ng Disney Asia na kakanta ng “The Glow,” ang theme song para sa “Princess” franchise.

December 6, Sabado, nang mag-premiere naman sa cable channel ang music video ni Sarah na ngayon ay lampas one million views na.

Bukod kay Sarah, may iba ring female singers sa Asia ang napili para sa umawit ng kani-kanilang versions ng nasabing kanta. Mula sila sa Thailand, Malaysia, at Indonesia.

Dahil dito, napabilang si Sarah sa listahan ng mga Pilipinong napili ng Disney na mag-perform para sa mga projects nito. Matatandaang si Lea Salonga ang kumanta ng dalawang theme songs mula sa dalawang animated movie ng Disney, ang Aladdin (“A Whole New World”) at Mulan (“Reflection”).

RACHELLE ANN GO

Malayo na nga ang narating ni Rachelle Ann Go. Siya ang sinuwerteng mapili na gumanap bilang Gigi Van Trahn para sa re-staging ng Miss Saigon sa West End London na nagsimula noong May 2014. Kahit na kabilang lang sa supporting cast at hindi bida sa musical, maraming magagandang reviews ang nakuha ni Rachelle Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagtibay pa ito nang manalo siya bilang Best Features Actress in a Musical sa 2014 Broadway World West End Award noong November.

Bukod sa kanya, marami ring napanalunang awards ang Miss Saigon mula sa nabanggit na award-giving body.

KIM CHIU

Speaking of Walt Disney, umingay rin ang pagkakapili kay Kim Chiu na gumanap bilang Mulan sa Disney project na 2015 calendar, kung saan featured ang mga Disney characters.

Ang Mulan ang animated movie mula sa Walt Disney na ipinalabas noong 1998.

Sa statement na ini-release ng Walt Disney Company: "We confirm that Kim Chiu is part of an upcoming Disney project in Southeast Asia. We will share more details on this in the coming months."

Sabi naman ni Kim sa pagkakapili sa kanya, “Achievement ko siya sa buhay, childhood dream ko maging isa sa mga Disney Princess!

"Nung in-offer sa akin, nakakatuwa na nakakaiyak," patuloy ni Kim.

JON JON BRIONES

Nang unang ipalabas ang Miss Saigon noong 1989 sa West End, London, kabilang si Jon Jon Briones sa 15 Pilipinong napabilang sa nasabing phenomenal musical play, kasama si Lea Salonga sa papel na Kim.

Pagkalipas ng 25 taon, napabilang muli si Jon Jon sa pagpapalabas ng Miss Saigon at muli niyang gagampanan ang The Engineer, isa sa mga main characters sa istorya.

Nahasa na siya ng pagganap at ng panahon kaya naman hindi kataka-taka na iginawad kay Jon Jon ang Best Leading Actor in a New Production of a Musical sa Broadway World West End Award nito lamang November.

ROSE FONTANES

October 2013 nang unang mapansin si Rose Fostanes dahil sa rendition niya ng “This Is My Life” ni Shirley Bassey sa X Factor Israel.

Taong 2008 nang mapadpad si Rose sa Israel at naging caregiver doon sa Tel Aviv.

Pero kahit na siya ay 47, ipinagpatuloy ni Rose ang kanyang hilig pagkanta at sumali sa singing competition sa nasabing bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January 2014, nabighani ang mga hurado sa rendisyon ni Rose ng “My Way” ni Frank Sinatra at siya ang itinanghal na grand winner ng nasabing patimpalak.

LAV DIAZ

Nagpatuloy sa paghakot ng mga parangal ang multi-awarded Filipino indie director na si Lav Diaz ngayong taon. Nanalo siya ng Golden Leopard sa 67th Locarno International Film Festival para sa pelikulang Mula sa Kung Ano ang Noon at recipient ng Prince Claus Award mula sa Netherlands.

Maging ang obra niyang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ay pinapaboran din ng mga kritiko. Ito ang nag-iisang Asian movie na nominado sa Best International Film category ng 30th Independent Spirit Awards kung saan ihahayag ang mga winners sa February 21, 2015.


ALLEN DIZON

Naging matunog ang pangalan ni Allen Dizon sa indepent film industry dahil siya ang itinanghal na Best Actor sa 9th Harlem International Film Festival sa New York para sa indie na Magkakabaung (The Coffin Maker).


Siya rin ang nag-uwi ng Best Actor trophy sa 3rd Hanoi International Film Festival para sa nasabing pelikula, kung saan nominado rin ang Hollywood star na si Ralph Fiennes para sa Russian film na Two Women.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN