Jimboy Salazar on target look for wedding: "Yung babaeng-babae, ma-achieve ko na lumabas na ang ganda-ganda ko.”

While Jimboy Salazar and John Danan moon about their symbolic beach wedding, Jimboy’s ex-girlfriend, Mahal, reacts: "Magkulutan na lang sila. Wala akong pakialam! Nakapag-move on na ’ko. ’Katawa lang!"


Idineklara sa Startalk ng mag-partner na Jimboy Salazar at ang mang-aawit na si John Danan ang plano nilang magpakasal sa third anniversary ng kanilang relasyon, sa March 16, 2015.

Pero nasambit ni Jimboy na hindi pa raw niya masasabing iyon na talaga ang petsa.

“Hindi pa kasi siya nag-propose sa akin,” napapangiting pahayag ng dating miyembro ng That’s Entertainment kahapon, December 21, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento niya, nagkausap lang daw sila ni John via Skype nung nasa Singapore pa ito at doon lang daw sinabi sa kanya na gusto na siyang pakasalan. Natuwa naman daw siya.

Pero hinihintay pa rin daw niyang mag-propose ang kasintahan.

“Alam ko kasi may binili siya sa Singapore na sabi niya ibibigay daw niya sa akin.

“Iyon ang hinihintay ko na ibigay niya sa akin, hindi pa niya binigay, e,” sabi pa nito.

NO FADDIST. Nilinaw ni Jimboy na hindi raw sila nakikiuso pagkatapos magpakasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Sila naman daw ang unang umamin noon ng kanilang relasyon, at nabanggit na raw nila ang balak na pagpapakasal.

“Gusto lang namin ipaano sa mga lesbians, sa mga bisexual na puwede rin naman natin gawing normal yung ginagawa ng normal relationship na kinakasal.

“Nagmamahalan tayo, ’di ba? Ang gusto ng nasa itaas, magmahalan."

Pahayag naman ni John para kay Jimboy, “Iparamdam na lang natin sa tao na puwede tayong magmahalan.

"Kahit parehas ang kasarian, nagmamahalan.

“Basta ang importante naka-center sa atin ang God at gagabayan tayo sa pagmamahalan natin.

"Siyempre mahirap itong papasukan natin pero kakayanin natin.”

Kaya hindi na raw sila nagpapaapekto sa mga nanlalait at hindi naniniwala sa kanilang pagmamahalan.

“Hindi naman mawawala ‘yan, hindi maiwasan.

“Kung may positive, may negative.

"Siyempre, kakaiba ang relasyon, ’di ba? Nakakaloka!” bulalas ni Jimboy.

SYMBOLIC BEACH WEDDING. Nabanggit na rin nila sa Startalk ang balak nilang kasal na gagawin sa isang beach sa La Union o baka sa Puerto Galera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang seremonya lang daw muna dahil wala namang same-sex marriage sa ating bansa.

“Kaya nga nag-iipon kami para makapag-abroad kami, doon talaga ang kasal,” saad ni Jimboy.

Kahit seremonya lang ang gagawin nila, gusto pa rin daw niyang matupad ang matagal na niyang pangarap.

White long gown, long hair, at may bulaklak sa ulo na parang diwata raw siya sa kanyang kasal.

“Gusto ko talaga matupad ang pangarap kong magandang-maganda ako.

"Yung babaeng-babae, ma-achieve ko na lumabas na ang ganda ganda ko,” sabi pa niya.

Si John naman daw ay nakaputi ring tuxedo, at ang mga guests daw ay all white din ang mga suot.

MAHAL REACTS. Wala pa raw silang napag-usapan na kukuning ninong at ninang o sinu-sino ang nasa entourage.

Pero ang gusto raw sana nila ay si German Moreno ang isa sa mga ninong na sasaksi sa seremonya ng kanilang pagmamahalan.

“Kung papayag si Kuya Germs, sana ninong namin siya,” hiling ni Jimboy.

Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ng dating nakarelasyon umano ni Jimboy na si Mahal.

Sabi ni Mahal, "Magkulutan na lang sila. Wala akong pakialam!

"Nakapag-move on na ’ko. ’Katawa lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN