Ronnie Liang explains absence at the premiere of his first movie

This holiday season, Ronnie Liang will be sharing his music, and giving gifts to people in the provinces torn by war and typhoons.


Nagpaliwanag ang male balladeer na si Ronnie Liang kung bakit hindi siya nakadalo sa premiere ng indie film na pinagbibidahan niya, ang Esoterika Manila, kamakailan.

“Hindi po ako naka-attend ng premiere night or launching ng Esoterika Manila sa opening ng Cinema One Originals Film Festival dahil may engagements po ako sa U.S.

“Nanghihinayang ako na ’di ako naka-attend dahil first movie ko yun.

“May mga engagements po ako sa U.S. na na-book na three months before the premiere night.

"Alam po yun ng direktor at producer ko, na-inform ako [about the movie premiere] on the day na paalis ako for the U.S.”

Nalaman rin daw ni Ronnie na inilalaban sa international film festivals through the Film Development Council of the Philippines ang pelikula niya.

Ipapalabas daw ang Esoterika Manila sa mga sinehan nationwide in early 2015.

Saad ni Ronnie, “Kaya nagpapasalamat ako sa direktor ko, kay direk Elwood Perez sa faith niya sa talent ko sa pag-arte.

“Isang privilege at karangalan na ma-direct ng isang batikang director na si Direk Elwood.

"Hanggang pagtanda ko ay hindi ko ito malilimutan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa opening ng bagong Calayan Surgicentre branch sa Timog noong Lunes, December 15.

Isa si Ronnie sa mga male endorsers ng klinika ni Dr. Manny Calayan.

NEW ALBUM. Samantala, bilang singer ay may bagong project si Ronnie, ang latest album niya na Songs Of Love under Universal Records.

“It was released last November and is composed of 14 tracks—three OPMs, five English revivals, and their minus ones.”

Paborito raw ni Ronnie ang lahat kanta sa album.

“Dahil ako ang pumili ng list [of songs] under the supervision of Universal Records, especially ang mga English tracks.

"Yun ang mga pangarap ko na mga songs na gusto kong i-record for my album.

"And nagpapasalamat ako sa Universal Records and sa producer ko, ang Trex Entertainment Productions, sa opportunity and pagtitiwala nila sa akin,” sinabi pa ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Laman ng Songs of Love ang carrier single na "Liwanag" (Marlon Diez Barnuevo); "Ngayon Lamang" at "Hiling" (Vince Katindoy); "She’s Always A Woman" (Billy Joel); "Nothing Can Stop Us Now" (Rick Price); "Looking Through the Eyes of Love" (Barry Mann); "Dance With My Father" (Luther Vandross), at "Unchained Melody" (Alex North). Ang bonus track na "Ngiti" ay composition rin ni Vince Katindoy.

Humahataw din si Ronnie sa mga out-of-the-country shows.

“Kakadating ko lang from Dubai and Qatar as guest artist for Sarah Geronimo’s concert for the Filipino communities sa UAE [United Arab Emirates].

“First time ko sa Dubai and second time sa Qatar.

“The first one was during Anne Curtis’s Annebisyosa concert, guest artist din ako dun.

“Kaya nagpapasalamat ako sa Viva management, kina Boss Vic del Rosario, Ma’am Veronique,and Boss Vincent sa opportunity.

"Nagpapasalamat ako sa kanila na natupad ang pangarap ko na makapag-show sa Middle East and maka-duet ang Pop Princess.

“I am also thankful to Sarah Geronimo for allowing me to share the stage with her."

GIVING AND SHARING. Isa sa mga plano ni Ronnie ngayong Pasko ay ang mamamahagi ng damit, pagkain, at laruan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at Ruby sa Leyte.

Nito ngang nakaraang Linggo at Lunes, December 21 and 22, ay naghandog siya ng show/concert sa probinsiya para haranahin at bigyan ng saya ang mga Leyteños.

Magki-Christmas daw siya sa bahay nila sa Pampanga na iniregalo niya sa kanyang mga magulang.

Nasa Southern Mindanao naman siya December 29 para magbigay din ng saya sa mga nabiktima ng digmaan doon.

Saad ni Ronnie, “In-invite ako ng municipality ng Surahlah to grace their event.”

Ang New Year’s resolution daw niya ay… “to maintain a fit body.”

May regalo ba na gusto niyang matanggap ngayong Pasko?

Sagot niya, “Kung meron man akong gustong regalo or wish for Christmas, a better career, more projects, a healthy body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And sana wala nang masyadong bagyong tumama dito sa atin sa Pilipinas.”

HIS MOM WAS MISDIAGNOSED. Napadako naman ang usapan namin tungkol sa balitang nagkasakit ang ina ni Ronnie.

“Itinakbo siya sa ICU dahil bumagsak po ang blood pressure niya nag-60/20 and tinaningan siya ng doctor.

"Four hours na lang daw ang itatagal niya dahil wala daw silang mahanap na ugat para i-IV siya ng pampataas ng blood pressure.”

Pero dahil daw sa dasal ay naka-recover ito.

“Thank God! Pinilit daw ng mga doctors na makahanap ng ugat.

"Dinala namin siya sa ibang doctor for a second opinion.

“Indirectly, sinabi ng doctor na nagkamali ng diagnosis and ipinapagawa [sa ina niya] yung unang doctor.

“Isa na daw yung hindi daw siya pinapakain ng karne na kailangan ng katawan natin.

"Manghihina daw talaga tayo pag wala yun. "


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN