KC Concepcion on entering relationship with Paulo Avelino: “Siguro po, timing is everything talaga."

“Alam n’yo, minsan lang po ako magka-crush. Ang baduy ko talaga. Pero ayun nga, parang crush ko siya before. Siyempre, for a girl, maganda rin ’yong maka-work mo ang crush mo,” KC Concepcion on working with Paulo Avelino.


Nagpapasalamat sina KC Concepcion at Paulo Avelino sa mga fans na humiling na magkasama sila sa isang proyekto.

Sa ikalawang pagkakataon ay magkakatrabaho ang dalawa para sa ikatlong istorya ng Give Love on Christmas na pinamagatang Exchange Gift, na magsisimula sa January 5 sa ABS-CBN.

“Lahat po ng KC-Pau fans, parang nag-request sila. We were shocked na mayroon pong fan groups,” sabi ni KC sa press conference ng show kahapon, December 22.

“The first and last project we had was in [Maalaala Mo Kaya].

“Nagulat na lang kami na mayroon kaming comments from KC-Paulo fans.

“Parang nagbibigay sila ng tips sa mga events, pinaparamdam nila, nilabas pa nga si Paulo before.”

Sa muli nilang pagsasama sa isang proyekto, mas nakilala raw ni KC si Paulo, na napapabalitang mas malapit sa kanya ngayon.

“Puwede rin siyang maging funny. Kasi, parang kapag tiningnan mo, akala mo para siyang super serious,” paglalarawan ng TV host-actress.

“Una, kapag may eksena, halimbawa, nahulog ako sa putikan, kasama niya ’yong mga baka niya, parang nakikita mo na kumportable siya.

“Hindi kailangang intense na parang Walang Hanggan ’yong scenes.

“Hindi kailangan na ganun. Mas maganda na ma-experience namin na parang light lang.”



KILIG MOMENTS. Noon pa man ay sinasabi na ni KC na crush niya si Paulo. Kaya hindi niya itinangging may mga pagkakataong kinikilig siya kapag may eksena sila ng StarStruck alumnus.

Nakangiting paglalahad ni KC, “Alam n’yo, minsan lang po ako magka-crush.

“Ang baduy ko talaga, pero ayun nga, parang crush ko siya before.

“Siyempre, for a girl, maganda rin ’yong maka-work mo ang crush mo. Totoo naman po na ’yong mga mata niya... “

Pagdating daw minsan sa eksena, sabi ni KC, “Siguro may mga time na nadadala na ako sa mga adlib kasi natutuwa na lang din ako sa situation.

“Pipigilan naman kami ng direktor kung ayaw din naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pinayagan din ako ng director to play with the scenes.

“’Yong mga eksenangg ganun, parang mas na-e-engganyo akong gawing mas ano pa ’yong scene."

ENDING UP TOGETHER. Dahil mas nakikilala pa nina KC at Paulo ang isa’t isa, magkaroon kaya ng pagkakataon na mauwi ang pagkakaibigan nila sa isang romantic relationship?

“Siguro po, timing is everything talaga,” sagot ni KC.

“At saka kung gugustuhin man ni God, ’di ba? Wala naman tayong control sa puwedeng mangyari.

“[Paulo]’s at the age na marami tayong puwedeng gawin, ako rin po.

“Right now, we’re happy na may ginawa kami together.

“Happiness kasi exciting ’yong mga scenes, parang comedy, light.

“First time din namin to be involved professionally. Kasi for four years, after MMK, puro kami personal.”

Dagdag pa niya sa huli, “Kung magiging tuluy-tuloy na magiging maganda kung ano ang meron kami, friendship ba yun or connection namin, tuluy-tuloy na magkaintindihan at suportahan sa isa’t isa na maging better people at mag-improve.

“Siyempre, hindi mo naman ipapasok ang isang tao sa buhay ninyo kung ikasasama mo ’yon.

“So far, okay naman. As far as magtuluy-tuloy po ’yon, then, we don’t know.”

KC Concepcion and Paulo Avelino still enjoying whatever relationship they have right now. @pepalerts

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onDec 12, 2014 at 6:23pm PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN