Paulo Avelino on real score with KC Concepcion: "...it’s about timing. It’s not about me."

Paulo Avelino on KC Concepcion’s effect on him: "Like what I said, kapag nakaka-eksena ko kasi si KC, parang napapa...nakakalimutan ko ang lines ko, e."


Unang pagkakataon na nagsama sa isang press conference ang matagal nang nali-link na sina KC Concepcion at Paulo Avelino.

Ito ay para sa episode na "Exchange Gift" ng Give Love On Christmas Pasko-serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television.

Naganap ang presscon sa 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS-CBN compound, kahapon, December 22.

Ito rin ang pangalawang pagkakataon na nagsama sila bilang screen partners. Unang project nila ay sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2011.

Dahil halos apat na taon silang hindi nagtambal, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media, kung ano ang pakiramdam nila na muli silang nagkasama.

Worth the wait ba ang proyektong ito?

Bungad ni Paulo, "Ganun, kahit very light yung project pero, kahit kunyari nakakatawa yung confrontation [scenes], seryoso kami pareho.

"The material is very good, and it’s also one way for us of giving back sa audience, sa mga Kapamilya natin, sa fans kasi, kumbaga, sila ang ang-request nito.

"Pinagbigyan namin sila at binigyan din kami ng pagkakataon na gawin ito para mag-’thank you’ sa lahat."

Dahil ngayon lang ulit sila nagkasama habang patuloy silang nali-link sa isa’t isa, hindi ba sila nailang sa harap ng camera?

Paliwanag ng Kapuso actor, "Hindi naman yung awkward siguro.

"Like what I said, kapag nakaka-eksena ko kasi si KC, parang napapa...nakakalimutan ko ang lines ko, e.

"Napapatitig na lang ako sa kanya."

Paano niya nasi-set aside ang personal feelings niya sa dalaga ni Sharon Cuneta?

Dugtong niya, "Kami, alam ko naman na we’re here to work.

"Kumbaga andito yung project, and we have to work.

"At the same time, may mga break naman in between—we have lunch together, with everyone, with the director pero, at the same time, ’pag alam namin when it’s time to work at pag hindi na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL SCORE. Sa puntong ito, inalam namin kay Paulo kung okay lang ba sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa puwedeng matawag na "boyfriend-girlfriend" ang anumang relasyon meron sila ni KC.

Paliwanag ng 26-year-old Kapamilya actor, "Ako, hindi ko talaga puwedeng sabihin na walang labeling, parang we’re best friends, we have connections, we treasure it now.

"Kumbaga, yun nga siguro, we have different priorities as individuals.

"Hayun, naka-focus kami sa mga dapat o kailangan naming gawin sa ngayon."

TIMING. Diretsahan naming tinanong si Paulo kung nasa courtship stage na ba sila?

Tumingin muna siya kay KC, na katabi lamang niya habang nagaganap ang panayam na ito, bago nagsabing, "Ako, kasi..." sabay baling niya kay KC ng, "I’m sorry, ha."

Patuloy ni Pau (palayaw ni Paulo),"Ayaw ko kasing i-brand as ligaw kasi ang ganda nung mga nangyayari sa amin.

"Kunyari, may mangyayari ’tapos magsasama kami, it’s more of what’s happening, it’s more of the connections, yung kasiyahan namin na magkasama kami."

Ngunit sa ibang lalaki, gusto nila kaagad na ma-secure at magkaroon ng maliwanag na kasagutan sa intensiyon nila sa isang babae.

Sa parte niya, handa ba siyang maghintay sa kung saan man ang kapupuntahan ng espesyal na samahan nila ngayon ng award-winning actress?

Tugon niya, "Yun nga po, ’tulad ng sinabi namin kanina, we just want to enjoy what we have now, and it’s about timing.

"It’s not about me..."

Na-a-appreciate ba niya ang presence ni KC sa kanyang buhay?

Tumingin ito kay KC saka sinabing, "Oo naman, isa ka sa nag-i-inspire sa akin.

"Sa akin, yung advices ni Kristina [totoong pangalan ni KC].

"Actually, hindi ko na kailangang sabihin, e.

"Kumbaga, she’s always there to keep me, to help me in ways na alam niyang makakatulong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN