Yearender 2014: Controversies instigated by social media

Annabelle Rama, Paolo Bediones, Daniel Padilla, and Kim Chiu are the personalities who got enmeshed in the biggest social media controversies of the year.


Hindi ligtas ang mga kilalang celebrities at iba pang kilalang personalidad sa mga kotrobersiyang nag-ugat mula sa social media. Ilan nga sa pinakamalalaking istoryang nasaksihan natin sa taong ito ay nagsimula dito.


THE SCANDALS. Uminit ang 2014 sa pagsulpot ng steamy video scandal ng TV5 news anchor na si Paolo Bediones kung saan ilang babae ang nadawit.

Hot topic din ang na-leak na audio ni Daniel Padilla na “kinilig” daw dahil sa text ng isang aktres na hinihinalang si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi rin nakaligtas si Ellen Adarna nang lumabas sa Internet ang ilan sa mga unreleased photos niya mula sa kanyang shoot para sa April 2014 issue ng Esquire Philippines.



TWITTER FEUDS. Marami rin ang nagpatutsadahang celebrities sa kanilang mga social media accounts.

Ilang celebrities at personalities ang pinasaringan ng radio DJ na si Mo Twister, kabilang nga dito ay ang mga anak ni Sen. Jinggoy Estrada na sina Julian, Jolo, at Gel Estrada.

Matatandaang nagkasagutan din sa Twitter ang mag-inang sina Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama dahil na rin sa lovelife ni Ruffa.



THE BASHERS. Inamin ni Kim Chiu na naiyak siya sa pagbabatikos ng ilan sa kanyang pagkapanalo sa PMPC Star Awards for TV bilang Best Actress.

Inulan din ng mga negative comments mula sa kanilang bashers ang ilan sa mga pulitiko lalo na sina Senator Nancy Binay, Senator Bong Revilla, at Local Government Secretary Mar Roxas.

Narito ang buong listahan ng ilan sa malalaking isyu na nagsimula sa social media: Yearender 2014: 18 controversies instigated by social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN