Jasmine Curtis Smith open to moving to ABS-CBN: “Basta po may trabaho, go!”

"I’m not here for the fame, I’m here for the job!” says Jasmine Curtis Smith about transferring to ABS-CBN if sister Anne would ask.


Bago umalis si Jasmine Curtis Smith papuntang Australia para magbakasyon, nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong ng PEP si Jasmine kung mayroon ba siyang New Year’s resolution nang magsimula ang 2014 na nasunod niya?

“Madami po,” sagot ni Jasmine.

May proseso raw sila ni Anne tungkol sa New Year’s resolutions nila.

“Every year, kami ni Ate, naglilista kami ng resolutions, wishes and dreams namin.

"Kasama si Mama ‘tsaka yung kapatid kong si Tom.

“’Tapos nilalagay namin sa isang envelope, ‘tapos itinatago namin for the rest of the year.

"Pagdating ng New Year, binubuksan namin siya, isa-isa kami, may sariling corner.

"‘Tapos tinitingnan namin kung na-achieve namin.

“Kung hindi sinusulat ulit namin siya.”

Ang bunsong kapatid daw nila kalimitan ang may pinakamaraming nasusunod na New Year’s resolution.

This year, ano ang pinaka-New Year’s resolution ni Jasmine na hindi pa niya nagawa, pero nais niyang gawin?

“Magka-abs! Wala akong, ano lang, para lang …”

Para lalo siyang sumeksi?

“’Ayun, ‘di ba?”

Ano naman ang reaksiyon niya kapag sinasabi na mas maganda siya kesa kay Anne, pero mas seksi sa kanya ang ate niya?

“Okey lang, kasi may sari-sarili kaming ganda at pagka-sexy.

"It’s in the eyes of the beholder.”


BEST ADVICE. Ano ang best advice ng Ate Anne niya sa kanya sa buong buhay niya?

“Dami, e! Pero pinaka talaga... forever learn the art of deadma!

“Forever talaga yun, kasi whether it’d be sa work or sa personal life mo, basta alam mo yung opinyon mo, narinig mo na yung panig ng iba.

“But if you think tama naman yung sa ‘yo, deadma na lang sa iba.

“Parang go live your life na lang on your own.”

Si Jasmine naman, ano ang best advice sa ate niya?

“Wala naman. ‘Let’s go to church together’ lang, yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi busy siya, e. Every day may trabaho, pero lagi kaming nagyayayaan.

"‘Pag siya naman ang nagyaya, ako naman yung may work or may ginagawang iba."


TRANSFER TO ABS-CBN. Speaking of pagyayaya, was there a time na niyaya siya ni Anne na lumipat sa ABS-CBN?

“Hindi pa po.

“Basta happy ako sa trabaho, basta may trabaho.

"Basta daw po may trabaho, masaya si Ate para sa akin.”

Kung sakaling yayain siya ni Anne na lumipat from TV5?

“Basta po may trabaho, go!

"Basta ako kung saan may trabaho, dun naman talaga ako pumupunta, e.

“Wala naman sa akin yung anong mas malakas na network or mas malakas na event or whatever.

“Basta po trabaho siya, I mean I’m not here for the fame, I’m here for the job!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN