Lovi Poe says she and boyfriend Rocco Nacino have no restrictions: “He can do whatever he wants to do."

“Sa relationship naman namin ni Rocco parang kung ano yung gusto mong gawin, ikaw na ang bahala. Ako din ang bahala. Parang never kaming napunta sa point na magpapaalam sa isa’t isa kasi ayaw naming parang mapunta sa point na sinasakal namin yung isa’t isa," says Lovi Poe about her relationship with boyfriend Rocco Nacino.


Dati nang naging cover girl ng FHM si Lovi Poe.

Kapag inalok siya muli ng naturang men’s magazine for a sexy pictorial, tatanggapin ba muli niya? Papayagan ba siya ng boyfriend niyang si Rocco Nacino?

“Well wala naman siyang say when it comes to my, mga moves ko sa career. Pero sa akin, gusto ko munang magpahinga sa sexy ano, sa pagpapaseksi.

“Siguro there was a time in my life noon na I was daring, because nga nandun ako sa certain stage of my life wherein gusto kong mag-break free sa mga kung anu-anong bagay,” at natawa si Lovi.

“Matagal na ‘kong nagpahinga sa pagpapaseksi. Kasi nakakatamad din magpakita ng skin all the time.”

Pero wala naman daw kahit anong pagbabawal sa kanya si Rocco pagdating sa career.

“Wala, walang pagbabawal.”

Kahit si Lovi ay wala ring restrictions kay Rocco pagdating sa career ng binata.

“He can do whatever he wants to do.

“Sa relationship naman namin ni Rocco parang kung ano yung gusto mong gawin, ikaw na ang bahala. Ako din ang bahala.

“Parang never kaming napunta sa point na magpapaalam sa isa’t isa kasi ayaw naming parang mapunta sa point na sinasakal namin yung isa’t isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng Shake Rattle & Roll XV o SRRXV sa Imperial Palace Suites noong Martes, December 16.

Sa episode na “Flight 666” ng SRRXV kasama si Lovi.

Bukod sa “Flight 666” ay tampok din sa SRRXV ang mga episodes na “Ahas” at “Ulam.”

Kasalukuyan itong palabas ngayon sa mga sinehan bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2014.

ZIPLINE. Samantala, kahit takot sa pagsi-zipline si Lovi ay nagawa niya ito minsan, kasama si Rocco.

“Ang saya!”

First time iyong ginawa ni Lovi.

“Kasi takot ako sa heights. Takot ako sa heights, sobra! ‘Tapos yung sigaw ko, ‘di ba? ‘Tapos bigla towards the middle, ‘Ay, kaya ko pala!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagawa niya iyon dahil sa pag-ibig?

“No. It’s ano, kasi iyon nga yung bago kong thing ngayon, e.

“I have to do something that I’m afraid to do.

“Parang lagi kong sinasabi yun sa sarili ko kasi, do something that you’re uncomfortable, coz that’s where the magic happens.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN