Vice Ganda’s Lolo Gonzalo dies on Christmas day

Pagkatapos maratay nang matagal-tagal sa ospital, binawian na ng buhay ang lolo ni Vice Ganda na si Lolo Gonzalo nitong nakaraang Pasko, December 25, sa edad na 93.


Pumanaw na ang lolo ni Vice Ganda na si Lolo Gonzalo sa mismong araw ng Pasko, December 25, sa edad na 93.

Multiple organ failure ang dahilan ng pagpanaw ng lolo ni Vice sa intensive care unit ng isang ospital.

Ang comedian-TV host mismo ang nag-anunsiyo ng pagyao ng kanyang lolo sa pamamagitan ng Twitter.

Matapos nito, bumuhos ang pakikiramay kay Vice—sa pamamagitan ng Twitter—mula sa mga kaibigan at mga tagahanga nito.

Nag-number one pa nga sa trending topic nationwide ang hashtag na #BeStrongViceGanda.

Nasa pangwalong puwesto din ang Lolo Gonzalo sa Philippine Trends sa Twitter.

“ALAM KO NAHIHIRAPAN SIYA.” Sa huling panayam kay Vice ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 17, sinabi nitong bagamat ipinagdadasal niyang pahabain pa ang buhay ng kanyang 93-anyos na lolo, nandoon din ang hiling niyang huwag nang patagalin pa ang paghihirap na dinaranas nito.

“Ang weird nga kasi hindi ko alam kung ano ang idadasal ko sa Diyos.

“Kasi alam ko gusto ko na humaba pa ang buhay ng lolo ko para makasama ko pa siya.

“Pero ayoko ding pahabain pa yung paghihirap niya kasi kitang-kita.

“Ang payat-payat na ‘tapos sobrang dami ng aparato na nakakabit sa katawan niya, alam ko nahihirapan siya.”

Read: Vice Ganda stays strong despite condition of ailing grandfather


THANKS TO LOLO AND MADLANG PEOPLE. Kahapon din ang unang araw ng pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pinagbibidahang pelikula ni Vice na The Amazing Praybeyt Benjamin ang isa sa entries sa taunang pista ng mga pelikulang Pilipino.

Sa official report kagabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang ahensiya ng gobyerno na namamahala sa MMFF, ang pelikula ni Vice ang nanguna sa box-office.

Tumabo ito ng halos P53.3 million.

Ang The Amazing Praybeyt Benjamin na ngayon ang may hawak ng record sa pelikulang Pilipino na may pinakamalaking opening gross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, nagpasalamat si Vice sa kanyang lolo at sa mga nanood ng pelikula sa pamamagitan pa rin ng Twitter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN