ER Ejercito to re-enter politics in 2016: "Yes, yes, tatakbo at babalik ang agila."

ER Ejercito’s movie Magnum .357 pays homage to the Muslim community. "Natutuwa ako na full support ang Muslim community, mga Maguindanao, Tausug, at Maranao." He adds that the movie is also a tribute to the 10th death anniversary of Fernando Poe Jr., who topbilled the original version in 1986.


Binigyang linaw ng dating governor ng Laguna na si George "ER Ejercito" Estregan ang intriga tungkol sa Muslim Magnum .357 na isa sa walong entries sa kasalukuyang 2014 Metro Manila Film Festival.

Malaki raw ang kakulangan nito sa publisidad kumpara sa mga nakaraan niyang filmfest entries na sagana sa promotions habang nagsu-shooting hanggang maipalabas na sa mga sinehan.

Binibigyang kulay pa ito ng ibang netizens na iniuugnay ang pagkakatanggal niya sa puwesto bilang gobernador sa issue ng pelikula niya.

Nagpaliwanag si ER sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng pelikula niya sa Cinema 6, SM Megamall noong December 23.

Pahayag niya, "’Di, pinabayaan ko na ang Viva na mamahala dahil busy kami sa pelikula, hindi ko na naasikaso.

"We started late, we started October 28, so we barely had two months to finish the movie.

"We had to finish it as soon as possible.

"I had no time to organize a presscon at ayusin personally ang promotions nito."

Ang Muslim Magnum .357 ay prinodyus ng Scenema Concept na ni-release sa pamamagitan ng Viva Films.

TRIBUTE TO FPJ. Ang ikinatuwa ni ER ay ang sobrang suporta ng Muslim community sa kanilang premiere night, maging sa kasalukuyang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Aniya, "Natutuwa ako na full support ang Muslim community, mga Maguindanao, Tausug, at Maranao.

"This movie is a tribute to the Muslim community in the Philippines.

"And a tribute to the 10th death anniversary of our King of Philippine Movies, Fernando Poe Jr.

"Sa mga hindi nakapanood noon ng pelikula niyang Magnum .357, heto ang movie para sa kanila."

Dugtong pa niya, "Nakakataba po ng puso, at pinipilit nating ibalik ang action films na matagal nang nakalimutan ng ating industriya.

"Ang kaibahan nito sa movie ni FPJ noong 1986, sa panahon ni FPJ, hindi pa uso noon ang laptop.

"So ngayon, may cellphone na tayo, may laptop, may tracking device, may electronic-gadget system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So may pagkakaiba, parang Bourne Legacy, Mission Impossible, ganun ang dating ng pelikulang ito."

MULTI-AWARDED. Bukas, December 27, ay awards night para sa entries ng Metro Manila Film Festival na gaganapin sa PICC Complex, sa Pasay City.

Umaasa ba siyang manalo bilang Best Actor? O technical awards para sa pelikula niya?

Diretsahang sagot ni ER, "Ako, hindi na ako umaasa kasi maraming intriga kapag awards night, ’di ba?

"Ako, happy na ako, dahil nakawalong best actor na ako.

"Nakatatlo na ako sa FAMAS, dalawa sa Star Awards, at sa iba pa.

"Marami na rin akong nakuhang awards sa Best Picture, FPJ Memorial Awards, Gatpuno Villegas Cultural Award, Guillermo Mendoza, Best in Cinematography, Best Production Design , at sa Music.

"So marami na kaming nakuhang awards, so bonus na lang , kung makakuha ulit."

REST FROM POLITICS. Patuloy pa rin daw siyang gagawa ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival na siyang kinasanayan na niya taun-taon.

Sabi pa ng 51-year-old action star, "Kagaya nga ng nasabi ko, every year talaga ay gumagawa ako ng one movie.

"Ito ay para tulungan ang Filipino industry workers at ang ating media entertainment, so, tuloy pa rin ang plano natin.

"Walang mababago sa ating adhikain at sa ating nasimulan."

Sa puntong ito ay kinumusta naman namin ang kanyang buhay pagkatapos matanggal sa puwesto bilang gobernador.

Kaswal na sagot niya, "Yun nga ang sinasabi ko, blessing nga siguro sa akin ito na pinagpapahinga ako ng Diyos.

"Ilang beses akong naospital dahil sa pagod.

"Kaya kailangan siguro ay magpahinga muna ako para sa pamilya at sa Pagsanjan.

"Kahit wala ako sa posisyon, babalik at babalik ang agila."

Ibig bang sabihin nito ay tatakbo pa rin siya sa darating na 2016 elections?

Mabilis niyang tugon, "Yes, yes, tatakbo at babalik ang agila.

"Mahal ako ng mga kababayan ko sa Laguna at malalim ang itinanim ko sa Laguna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN