KC Concepcion is ready to get married, "Kasi nando’n na ’ko, e."

"Hindi lang dahil uso. Pero, siguro, bilang babae, you don’t wanna waste your time boyfriend-boyfriend lang, dyowa-dyowa lang. Gusto ko, mas ready siya kesa sa akin," KC Concepcion said about the man she will have a real romantic relationship with.


Hindi maikakaila na matinding lungkot pa rin ang nararamdaman ng Exchange Gift star na si KC Concepcion dahil sa pagkawala ng kanyang lola na si Elaine Cuneta.

Pero, pagdating sa usaping puso, marami ang nakakapansin na may kakaibang “glow” sa mga mata ng Kapamilya actress.

Pinaniniwalaang ang leading man niya sa Exchange Gift na si Paulo Avelino ang posibleng nagbibigay sa kanya ng kakaibang kasiyahan.

Sabi naman ni KC, “Lalo akong dumikit kay God. Promise. Kasi, kami ni Paulo, wala pang label, wala pang sure.

“Siyempre, ang bata pa niya. At the same time, ako rin naman.

"Pero kahit paano—sabi ko, kung halimbawa ba at maging ready na akong pakasal, siya ba, ready na?”

Napag-usapan na ba nila ni Paulo yun?

“Hindi naman,” natawang sagot ni KC. “Sa inyo ko lang nasasabi kasi, wala naman siya.

“Pero, parang thought balloon na, huwag na lang kayang lagyan ng label kesa naman masira ‘to dahil may expectation.

“Ano na lang, let time tell na lang.

“Kung may ma-meet siyang girl na mas feeling niya, swak sa future niya, swak sa kanya ngayon, pag-uusapan namin yun. Kasi siyempre, ayoko naman ng mapi-pressure o may gawin kaming in the future, wala rin.”

WISHES FOR 2015. Masaya si KC dahil sa taong 2014, nanalo siya ng ilang acting awards at napapansin ang husay niya sa pag-arte.

Sa taong 2015, ano pa ang mga nilu-look forward niya?

“Sa 2015, siguro ano lang din, good health. Kasi, this year, ano ba ‘yan, nagka-pneumonia ko, nagka-dengue. Good health, fitness, be at my best form para best beautiful.

“At saka, makagawa ng project na iba naman ang role. Ayoko kasi talaga ng nag-i-stay lang sa ’princess’ [image] o sa ganun. Marami nang gumagawa.”

Nabanggit niyang may bago na siyang proyektong gagawin.

“Sa Dreamscape, pero, inaayos pa po. Hindi pa po allowed sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May na-discover po kasi sila rito sa bago kong project na Christmas special. Sabi nila, puwede ka palang ganito.

"Kasi, parang young lang siya, hindi naman siya tatanga-tanga, pero naive siya na nag-mature as days go by. Ibang-iba, very wholesome.”

Ano ang mga na-realize niya bilang unang beses nilang nagtambal ni Paulo?

“Ang na-realize ko po siguro, yun bang dapat malalim ang understanding nyo ng isa’t isa. Kung hindi, yung mga little things, puwede nyong pag-awayan and then, magiging big thing. Ayaw nyo namang saktan ang isa’t isa.

“Sa story ng Exchange Gift, yung maliit na bagay, nagiging malaki. So, in relationship, it’s the way you fight. Kasi, wala namang perfect.

“Pero, paano ba kayong mag-away? Paano nyo ba i-solve ang problema? Nagsusumbatan ba kayo? Nagpipikunan ba kayo?”

Sa totoong buhay, nag-aaway ba sila ni Paulo?

“Opo naman, of course,” natawang sabi ni KC.

Paano silang mag-away ni Paulo?

“Yung nakikita nyo sa Exchange Gift, ganun. Kasi siguro, kahit paano, matalino naman siya, i-argue out niya yung kanya. Siyempre, hindi naman ako bobo para hindi iano yung sa akin.

“Yung pride lang naming dalawa ang kailangan naming lunukin. Ganun daw po e, kahit sa friendship, kahit sa mag-nanay, sa mag-tatay.”

Posible kayang magtuluy-tuloy na ang pagsasama nila bilang loveteam sa isang proyekto o serye?

“Hindi ko po alam what’s his next. Hindi ko alam kung sa Dreamscape ba or what, depende po yun kung sino ang magpu-produce ng next project.

“But with the clamour, sana po. Kasi, kung iba naman ang nakakita ng chemistry, it would be fun to explore.”

KC IS READY. Ilang relasyon na rin ang napagdaanan ni KC.

Ano ang mga natutunan niya rito at masasabing hinahanap na talaga sa magiging karelasyon niya?

“Sa totoo lang, ang hinahanap ko talaga is someone na kind, Kristiyano talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung Muslim ako, e di Muslim din ang hahanapin ko. Sana somebody talaga na may intention na hindi lang i-girlfriend ako, pero, may intention na pakasalan ako.

“Kasi, nandoon na ’ko, e. Hindi lang dahil uso. Pero, siguro, bilang babae, you don’t wanna waste your time boyfriend-boyfriend lang, dyowa-dyowa lang. Gusto ko, mas ready siya kesa sa akin.


“Not Paulo, in general na hinahanap ko.

“At saka, someone who’s kind kasi, hindi nga maiiwasan na mag-away kayo. Pero, kung paano kayo mag-away, yun ang importante.

“Kung paano nyo i-solve.”

Sila naman daw ni Paulo, sobrang compatible naman daw nila sa isa’t isa. Pareho raw sila ng hilig kahit sa mga simpleng hilig nila sa kape, pagbabasa ng mga Manga comics, animé.

Bestfriend daw kasi sila.

Sabi pa ni KC nang natatawa, “Sabi ko nga... kasi naman.

“Sobrang okey talaga kami. Yun bang parang walang edit. Malalim ang pang-unawa sa mga bagay. Private but at the same time—alam mo yun, marami, e.

“Feeling ko, mas nagiging myself ako with him. Pero, yun nga, more than dyowain yung hinahanap ko, it’s more on, ’Ikaw...paninindigan mo ba akey?’” nakangiti at pabaklang salitang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN