KC Concepcion on refusing to label relationship with Paulo Avelino: “Between us naman, we know naman what we have, what we feel for each other.”

KC Concepcion on relationship with Paulo Avelino: “Yeah, it’s not about kung ako ang hindi ready, o, siya ang hindi ready. Nagmi-meet kami sa bagay na compatible kami and in the same way, na may mga bagay na pareho kami ng concern. So walang naiiwan. Yun nga, to be honest, ano talaga, tinitingnan namin kung paano pa magpu-progress.”


Sa pangalawang pagkakataon na magkasama sina KC Concepcion at Paulo Avelino sa isang project sa telebisyon, marami ang gustong malaman kung nagka-ilangan pa ba sila, lalo na ngayon na nali-link sila isa’t isa.

Una silang nagkasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2011, at nasundan ito ngayon sa Exchange Gift, ang pangatlong episode naman ng Pasko-seryeng Give Love On Christmas ng ABS-CBN at Dreamscape Television Entertainment.

Mapapanood ang Exchange Gift simula January 5 ng susunod na taon.

Unang pahayag ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media, “At times, there are times na parang...

“Yung awkwardness kasi, nandun kami sa set as actors, and serious siya sa craft niya sa acting, ako rin.

“So coming together na unexpected yung project, we had to adjust from being friends to being co-workers.

“So may times na hindi ko siya bina-bother sa set kasi, baka merong time na gusto niya ng space, gusto niyang mag-internalize sa kanyang character, or whatever.

“Ayoko na ma-bother na, ’Ang kulit naman nito.’

“So hinahayan ko siya.”

Dugtong pa niya, “Then, true enough, siyempre, pagdating ng 1 am, magmu-morph na lahat ng tao, dahil ang dami nang eksenang na-take.

“Siyempre, may times na, you take the backseat and let him do his work, I’ll do my work.

“Then, uwi na lang kami na hindi nag-uusap, then, kita na lang ulit sa taping.

“In that way, naging sobrang professional kami dun sa project na ito.”

NO PRESSURE. Sa tingin ba niya, mas maganda ang ganitong klaseng samahan, na hindi nili-label nang kung anu-ano ang kanilang samahan?

Pagsang-ayon ng dalaga ni Sharon Cuneta, “Yeah, kasi, between us naman, we know naman what we have, what we feel for each other.

“Honestly, ako personally, ayaw ko siyang ma-pressure for anything.

“Kasi halimbawa, he’s twenty-six, ’tapos ako, twenty-two,” pagbibiro pa niya sabay tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi, twenty-eight yun.

“Parang, I’m older than him by a couple of years, may times na ako, siyempre, may priorities na nag-iiba.

“Suddenly, next year, na nari-realize ko na gusto ko ng ganito, ng ganyan.

“Mahirap to talk about a serious relationship, because he’s also coming from a different situation, ’di ba?

“Iba rin yung priorities niya ngayon.

“Yun lang, kaya ayaw naming i-label kasi, dun kami hindi masyadong nagmi-meet, to be honest.”

Kaya nga raw ayaw nilang sirain kung ano man meron silang dalawa ngayon.

Dagdag pa niya, “But at the same time, respeto ko bilang babae, na ibigay sa kanya yung space to grow as a man.

“And katulad nang sinasabi ko, ’andito ako para i-improve yung buhay niya, at hindi para maging liability.

“And, at the same time, ’di ba, maganda na nai-share ko sa kanya yung experiences ko with family and wor? Yun lang.”

IMPROVING RELATIONSHIP. Ang isang bagay na hindi niya maitanggi ay ang patuloy na gumaganda ang kanilang pagiging “best of friends.”

Saad ng Kapamilya actress, “Yeah, it’s not about kung ako ang hindi ready, o siya ang hindi ready.

“Nagmi-meet kami sa bagay na compatible kami and in the same way, na may mga bagay na pareho kami ng concern.

“So walang naiiwan. Yun nga, to be honest, ano talaga, tinitingnan namin kung paano pa magpu-progress.

“Kasi may mga bagay naman na nangyayari sa buhay ng isang tao, na hindi maiiwasan.”

Na-appreciate ba niya ang presence ni Paulo sa ilang pangyayari sa kanyang buhay?

Tinanong muna ni KC si Paulo na katabi lang niya habang nagaganap ang panayam na ito, “Ikaw, na-appreciate mo na ang presence ko sa buhay mo?”

Pagkatapos sagutin ito ni Paulo, muli siyang nagsabi na, “Of course, ’di ba, sinabi naman nila na...

“Sa friendship, iba naman yung ways nyo to show that you care for each other, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa iba, it’s gift-giving, kung sa iba, it’s quality time, kung sa iba ay affection, sa iba words, parang sa akin, na-appreciate ko yung time niya sa akin, nung times na ’pag may sakit ako, nandun siya.

“The ways that I can show that I’m there, na kung hindi rin madali na intindihin minsan yung pinagdadaanan mo kasi, he’s so quiet pa.

“So sabi ko, ’I can’t read your mind, but the best way that can... nandun ako, na para bang...’ kasi walang perfect, ’di ba?

“Ayaw naman naming magpaka-showbiz, na everything is...

“Normal siya, gusto naming magpakatotoo kami, na we know each other very well.

“May tampuhan, yung mga away namin sa show na, ’Ano ba, totoo na ba ’to?’

“Yung ganyan...wala, hindi kami nag-e-edit sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN