Sylvia Sanchez bumps into Hugh Jackman in New York: “Naging instant fan talaga ako!”

Sylvia Sanchez recounts how starstruck she became upon bumping into Hugh Jackman in New York City: “Sobrang bait niya at very approachable kaya naman mas lalong humanga ako sa kanya.”


Nasa bansa na muli ang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez mula sa ilang linggong bakasyon sa Amerika kung saan kasama nito ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.

Kuwento ni Sylvia, masaya ang kanilang bakasyon na siyang regalo niya sa kanyang sarili sa sunud-sunod na trabahong ginawa niya mapa-telebisyon man o pelikula.

Aniya, “Masaya yung pagbabakasyon namin sa Amerika, parang nawala lahat yung pagod ko sa dami ng trabahong ginawa nung mga nakaraang buwan.

“In short, naka-recharge na ako at ready na namang magtrabaho.

“Pero plano ko na sa February na mag-start magtrabaho para mabigyan ko muna ng oras ang family ko o kaya tatanggap ako ng trabaho pero ’di tulad ng dati na habang may teleserye ako [Be Careful with My Heart] may guesting ako sa ibang teleserye [Pure Love] ’tapos may mga TV guestings ako at pelikula.

“So this time, gusto ko hinay-hinay lang, ayoko ng sunud-sunod kasi halos ’di ko na makita mga anak ko or kung umuwi man ako, tulog na sila at paggising ko naman papuntang trabaho nasa school na sila.

“Pero may mga possible projects na ipinakita sa akin si Tita Angge.

“Meron na akong nagugustuhan, bahala na si Ate Angge dahil siya naman ang manager ko para makipag-negotiate dun sa proyektong gusto kong gawin.”


AIZA-LIZA WEDDING. Part din ng pagpunta ng Amerika ni Sylvia ang pagdalo niya sa kasalan ng kanyang anak-anakan na si Aiza Seguerra at Liza Diño.

Aware naman ang aktres na may ilang hindi tanggap ang pagpapakasal nina Aiza at Liza at may mga batikos ngang ipinupukol sa bagong kasal.

Lahad niya, “Aminin natin na dito sa Pilipinas hindi pa talaga ganun ka-open ang isip ng tao tungkol sa relasyon katulad kina Aiza at Liza, alam naman natin yun.

“Pero like ako, ano naman ang magagawa ko kung nagmamahalan si Aiza at si Liza na nakikita ko naman na nagiging positibo naman kay Aiza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra kong nakikitang sobrang saya ni Aiza sa kanyang buhay nang makasama niya si Liza at ganun din naman si Liza kay Aiza.

“At si Aiza mahal na mahal si Liza at ang anak nitong si Amara, kaya bakit ko pipigilan ang dalawang nagmamahalan?

“Kumbaga respeto na lang. Gusto nila sa buhay nila ’yan at doon sila masaya. E, ’di ibigay natin.

“Wala naman kasing makakapagbigay-kasiyahan sa kanila kung hindi sila lamang at hindi ni isa man sa atin.

“Kaya sino naman tayo para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa?

“Sabi nga nila, dito pumapasok yung mga taong ’di pabor sa pagpapakasal ng dalawa na sige na, respeto na lang, anyways buhay naman nila yun.

“Kumbaga, as long as walang tinatapakang ibang tao si Aiza at Liza okey na yun, kanya-kanyang respetuhan na lang yun sa isa’t isa.

“Hayaan natin silang maging masaya kasi yun din naman yung gusto natin sa buhay ang maging masaya at walang kokontra o bumabatikos sa ginagawa natin.

“Ibigay natin sa kanila yung happiness na gusto nila dahil dun sila masaya.



HUGH JACKMAN. Naging instant fan naman daw si Sylvia nang makita nito ang Hollywood actor na si Hugh Jackman.

“Naging instant fan talaga ako! Ha-ha-ha! Nawala yung poise, nagpa-picture talaga ako.

“Nakita namin siya nung nasa New York City kami nang manood kami ng The River sa Circle in the Square [Theatre], West 50th Street.

“Sino ba naman ang hindi mai-starstruck kay Hugh Jackman na napanood natin sa X-Men, Les Miserables at marami pang iba?

“’Tsaka once in a lifetime lang ’yan kaya hindi ko napigilang maging fan noong mga sandaling yun at nagpalitrato talaga ako.

“Sobrang bait niya at very approachable kaya naman mas lalong humanga ako sa kanya,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN