Mylene Dizon explains why she prefers being a freelance actress

Mylene Dizon explains why being a freelance actress works better for her: “Like I’ve said, actor for hire lang naman ako. What I like to do is to work. Although of course, I started with them [GMA-7], I stayed with them longer. I come to visit every now and then. I don’t think it should be na parang natali ako.”


“Actor for hire” ang tawag ni Mylene Dizon sa sarili nang tanungin namin ito kung bakit nasa Kapuso network naman siya ngayon.

Pagkatapos nga ng ilang taon, kunsaan ang Dyesebel pa ang huling seryeng ginawa niya sa GMA-7 at sa Ikaw Lamang naman siya napanood na huli sa ABS-CBN, kasama naman ngayon si Mylene sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Once Upon A Kiss na magsisimula ng mapanood sa January 5.

Hindi rin naman daw kasi siya yung nagpapatali sa kontrata.

Sabi nga ni Mylene, “Ever since. Nagka-contract lang ako, yung one year ko, yung first year ko. Simula no’n, hindi ako nagku-contract.”

Mas nagwu-work sa kanya na hindi siya naka-kontrata?

“Like I’ve said, actor for hire lang naman ako.

“What I like to do is to work. Although of course, I started with them [GMA-7], I stayed with them longer.

“I come to visit every now and then. I don’t think it should be na parang natali ako,” paliwanag niya.

Baligtad naman daw siya bilang hindi niya naranasan na nakakontrata siya. Kung ang ibang artista, takot na walang kontrata, siya naman daw, nandoon ang takot na paano kung matali siya.

“Siguro baligtad lang ang fear namin kung babaligtarin mo,” natawang sabi niya.

REUNITED WITH FORMER TEAM. Natutuwa naman si Mylene dahil sa muli niyang paggawa sa Kapuso network, sa Once Upon A Kiss daw siya nakasama.

“It’s so nice kasi, itong team na ito, ito yung team ng Dyesebel which is five years ago. Tinapos namin yun, buntis ako kay Lucas.

“Noong tinawag sa akin ni Tita June [Rufino, her manager] na may project ako sa GMA, kinabahan ako.

“Kasi, sino ang makakasama ko? Hindi ko kilala ang ibang mga tao rito.

“Eksakto naman, pagpasok ko, pagdating ng storycon, sila ang sumalubong. Sila ang kasama ko sa Dyesebel so, easy transition for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIGHT THEME. May pagkapang-bagets, at light ang tema ng seryeng Once Upon A Kiss na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Okey ba kay Mylene na ganitong tema ang ginagawa niya sa paglipat niya ng Kapuso network?

“Oo, yes, actually this is exactly what I was asking for.

“Something na medyo lighter kasi, kapag sunud-sunod na mabigat, it’s not na dinadala mo sa bahay but it’s more on, ano ba yung next attack na gagawin ko to make it different?

“Especially ako na I would get tatlong trabaho na kontrabida at isang parang Maria Clara type na kabaligtaran naman and siyempre, hindi mo naman puwedeng gawin yun ng pare-pareho lang. Nakakaubos din.

“At saka, mahirap makakuha ng inspiration on how to do it, especially kung soap yung ginagawa mo. So ito, light, easier—hindi siya masakit sa puso.”

AT HOME WITH MOTHER ROLE. Tunay na ina raw siya ni Miguel sa serye. Kontrabida pa rin, pero hindi naman daw yung sobrang sama.

“Temang-tema lang, it’s very fairytale-like. So, it’s not... hindi mo siya bibitbitin sa bahay,” paglalarawan niya.

Anong masasabi naman niya sa dalawang teen stars na bini-build-up ngayon ng Kapuso network?

“Cute sila!” nakangiting sabi ni Mylene.

“Actually, noong una ko silang nakita sa storycon, hindi ko pa sila nakikita, hindi ko pa sila kilala.

“Noong lumabas yung AVP, sabi ko, sino yun? Meron, ha... may rehistro yung dalawa. ’Tapos noong nakita ko na sa personal, ang bata-bata naman pala talaga.

“Si Bianca, 14! 2000! Ang dami ko nang ginawang kasalanan sa mundo!” natatawa niyang sabi.

“E, ’di ba, kakapanganak mo pa lang nun. Natapos na ’ko sa kolehiyo’t lahat. Nakapaglayas na ’ko galing sa Amerika at nakabalik na ’ko.”

Siyam na taon na raw ang panganay niya kay Paolo Paraiso at kung tutuusin, limang taon lang daw ang tanda ni Bianca sa panganay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya puwedeng-puwede akong maging mudra [nanay] niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN