KC Concepcion on her closeness to Marian Rivera: “Alam kong nandiyan siya kahit hindi kami araw-araw na nagkikita..."

KC Concepcion, one of the secondary sponsors in the Marian-Dingdong wedding, recalls how her friendship with Marian Rivera blossomed: “I gave her chocolates four years ago. Every time, nagte-textan lang kami. Every time na magkikita kami sa mga shows, nagha-hi kami. Parang we have a fondness lang for each other.”


May ilang mga nagulat nang malaman nila ang mga artistang kabilang sa wedding entourage ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa magiging kasal nila ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa Martes, December 30, sa Immaculate Conception Church sa Cubao, Quezon City.

Kabilang sa mga artistang kasama sa wedding entourage bilang secondary sponsor (cord) ang Kapamilya actress na si KC Concepcion.

HOW THEY BECAME CLOSE. Sa nakaraang Thanksgiving/Christmas party ni KC para sa entertainment press noong December 22 sa Gerry’s Grill, T. Morato, Q.C., isa sa tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KC ay kung paano nga ba nabuo ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Marian na isa namang Kapuso.

Ayon kay KC, “May endorsement kami before—me, Marian, Dingdong and Piolo [Pascual].

“And then, close siya sa mga Tuviera and close din kasi ako sa mga Tuviera. And lalo yung... sila kasi yung mga naka-discover sa kanya.

“One time, nabulungan ako ng isa, nakuwentuhan ako na grabe si Marian, nabigyan namin ng chocolates noong bagong discover siya, tuwang-tuwa siya, ang babaw ng kaligayahan.

“So, tuwang-tuwa ako. Akala ko snob siya, akala ko mataray kasi, Kastila ang hitsura. So, I said, why not?”

FONDNESS FOR EACH OTHER. Dugtong pa ni KC, “Kung boyfriend niya si Dingdong, meron kaming pag-uusapan. Kasi, Dingdong din naman is inglisero. Hindi ako maiilang, hindi siya maiilang.

“And then, in the end, I gave her chocolates four years ago. Every time, nagte-textan lang kami.

“Every time na magkikita kami sa mga shows, nagha-hi kami. Parang we have a fondness lang for each other.

“Alam kong nandiyan siya kahit hindi kami araw-araw na nagkikita and I’m there for her, alam niya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN