Bakekang star Eunice Lagusad makes showbiz comeback via Once Upon A Kiss

Former Bakekang star Eunice Lagusad is happy that to this day, people still call her "Charming," her character in the GMA-7 serye. “Nagugulat nga sila na nakita nilang malaki na ako. Akala yata nila hindi na lumaki si Charming. Natutuwa naman po ako kasi hanggang ngayon, yung role ko sa Bakekang ang naaalala nila sa akin.”


Sweet 16 na pala si Eunice Lagusad, ang gumanap bilang Charming sa 2006 GMA-7 teleserye na Bakekang.

Kasama siya ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7 na Once Upon A Kiss kunsaan gaganap siya bilang best friend ni Bianca Umali na si Melody.

Ang huling teleserye ni Eunice sa Kapuso network ay ang Genesis, noong 2013.

Naging abala ang tween actress sa kanyang pag-aaral sa Saint James Academy sa Malabon kunsaan nasa Grade 9 na siya.

“Mas nag-focus po muna ako sa school kasi matagal din akong nag-stop kasi nag-home study po ako.

“Noong mag-decide po akong um-attend ng regular school, wala muna akong masyadong ginawang trabaho sa showbiz kasi gusto ko pong maging maayos muna ang lahat sa school.

“Noong okey na po at nakapag-adjust na ako sa school, doon na ako tumanggap ulit ng work.

“May ginawa po akong episode for Wansapanataym sa ABS-CBN 2, ’tapos po yung Seasons of Love dito sa GMA-7 na.

“Hanggang sa kunin na po ako ulit for a teleserye na ikinatuwa ko naman po,” masayang kuwento ni Eunice nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Once Upon A Kiss noong December 19 sa GMA Annex Building.

STILL “CHARMING,” AFTER ALL THESE YEARS. Kuwento ni Eunice na hanggang ngayon ay Charming pa rin daw ang tawag sa kanya ng marami. Okey lang naman daw iyon kay Eunice dahil ibig sabihin ay kilala pa rin siya dahil sa character niyang iyon sa Bakekang.

Masaya niyang kuwento, “Nagugulat nga sila na nakita nilang malaki na ako. Akala yata nila hindi na lumaki si Charming.

“Natutuwa naman po ako kasi hanggang ngayon, yung role ko sa Bakekang ang naaalala nila sa akin.

“Lalo na po sa school, Charming talaga ang tawag nila sa akin at hindi Eunice.”

Malaki nga ang pasasalamat ni Eunice dahil nandiyan pa rin daw ang mga fans niya simula noong mag-artista siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo nandiyan pa rin sila. Mga fans ko sila since Ay, Robot! days pa sa QTV-11.

“Nagpaparamdam sila parati sa akin on social media. Mga kaedad ko na rin sila ngayon, Yung iba naman po, mga mothers naman dahil sa Bakekang.

“Kaya natutuwa ako dahil inaabangan din nila itong Once Upon A Kiss.

BAKEKANG REUNION. Gusto sana ni Eunice na magkaroon sila ng reunion ng Bakekang cast. Pitong taon na kasi ang nakakaraan mula noong natapos ang naturang teleserye sa GMA-7 noong 2007.

Kuwento ng dalaga, “Kelan lang po nagkita kami ni Tita Sheryl [Cruz].

“Si Tita Sunshine [Dizon] ang hindi ko pa nakikita ulit, pero pina-follow po niya ako sa Instagram.

“Si Tita Lotlot [de Leon] naman po ay huli kong nakasama sa Aryana sa ABS-CBN.

“Si Krystal [Reyes] naman po, may communication pa rin po kami. Last kaming nagkasama ay noong debut niya.

“Ang alam ko po ay may bago siyang show sa GMA-7 na eere rin next year.”

SCHOOL WORK. Inabutan nga raw si Eunice ng K-12 kaya doble ang sipag niyang mag-aral kahit nagte-taping siya para sa Once Upon A Kiss.

“Matagal pa po ako makakatapos ng high school kasi inabutan po ako ng K-12.

“May three years pa akong bubunuin sa high school kaya kailangan po mag-aral nang mabuti kahit na nagtatrabaho po tayo.

“Okey lang po, kasi ito naman po ang gusto kong gawin at promise ko sa mama ko na pagbubutihan ko ang pag-aaral ko,” diin niya.

Ang nais kunin na kurso sa kolehiyo ni Eunice ay Mass Communication or Culinary Arts.

“Pinag-iisipan ko pa po kung ano ang mas okey.

“Kung Mass Communication, okey yun kasi nandito na po ako sa showbiz. Magagamit ko ang mga alam ko sa course na iyon.

“Culinary Arts naman po dahil passion ko po ang magluto. Marami nang naturo si Mama at ang lola ko sa akin tungkol sa pagluluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may time po ako, ako ang nagluluto sa bahay ng iba’t-ibang putahe.

“Bahala na po kung ano ang kunin ko. Matagal pa naman kaya may time pa para magdesisyon ako,” pahayag niya.

NO BOYFRIEND YET. Sa rami ng kanyang gingawa ngayon, wala raw panahon si Eunice na isipin ang magkaroon ng boyfriend.

“Wala pa naman pong nanliligaw sa akin.

“Hindi ko naman po iniisip ang mga ganyan pa. Bata pa naman po tayo.

“Kung meron man po, hindi rin papayag si Mama na magkaroon ako ng boyfriend.

“Gusto niya pong magtapos muna ako ng college bago ako mag-boyfriend na okey naman po sa akin iyon,” pahabol pa ni Eunice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN