German Moreno says Nora Aunor open to offers now that her TV5 contract has expired

Kuya Germs on Nora Aunor’s status after her TV5 contract has expired: “Independent siya ngayon after mag-lapse ang kontrata niya sa Kapatid Network TV5, kaya open siya sa kung kaninong network na kukuha. Pero habang naghihintay pa siya ng offer sa iba’t ibang TV networks, gagawa muna siya ng indie films.”


Ang Master Showman na si German Moreno ang nagkumpirma na mananatili sa bansa at hindi muna babalik sa Amerika ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor kahit tapos na ang tatlong-taong kontrata nito sa TV5.

“Mananatili muna siya sa ngayon sa bansa, ayon na rin sa last naming pag-uusap.

“Independent siya ngayon after mag-lapse ang kontrata niya sa Kapatid Network TV5, kaya open siya sa kung kaninong network na kukuha.

“Pero habang naghihintay pa siya ng offer sa iba’t-ibang TV networks, gagawa muna siya ng indie films.

“Pero may guesting siya sa isang TV network pero ayoko muna sabihin habang ’di pa natutuloy ang taping niya. Mas maganda kasing sabihin ’pag nagawa na niya,” paliwanag niya.



BACK AS NORA’S MANAGER? Totoo ba ang bali-balitang si Kuya Germs na ulit ang tatayong manager ni Ate Guy?

Pagklaro niya, “Hindi naman, adviser lang.

“Kung hihingi siya ng advice bibigyan ko siya ng advice, pero siya pa rin naman ang may last decision.

“Noon pa man, ’pag kailangan niya ng advice, ako ang nilalapitan at kinakausap niya.

“Hindi na kailangan na ako yung manager niya, mas malalim pa kasi doon ang pinagsamahan namin ni Guy.

“Kaya every time na kailangan niya ako, nandito lang ako para sa kanya.

“Kumbaga unmeasurable na yung friendship na meron kami na hindi basta-basta masisira lang ng intriga o ano pa man," sabi ni Kuya Germs.



GOING BALD SCENE FOR INDIE FILM? Ano naman ang reaksyon ni Kuya Germs sa planong pagpapakalbo ni Ate Guy para sa isang indie film?

Abiso niya, “Well, pag-aralan niyang mabuti kung sa tingin niya ay okey lamang, dahil mag-aantay siya ng tamang panahon para humaba ulit ang buhok niya.

“Although puwede naman siyang mag-wig, pero mas maganda kung may buhok siya, hindi naman all the time kalbo yung role na gagampanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas marami yung project na kailangan niyang may buhok kaysa kalbo, so kailangan niya talagang pag-isipan ’yan.”



LATEST PROJECTS. Tinanong din namin si Kuya Germs tungkol sa mga latest projects ni Ate Guy.

Lahad niya, “Yung nga indie film na ginagawa niya at nagawa niya like yung kontrobersyal na indie film niya na Whistleblower.

“Sa ngayon yun pa lang, pero may mga pinag-aaralan pa siyang mga guestings at indie films kung tatanggapin niya ba o hindi.

“Siya lang naman kasi ang puwedeng magdesisyon kasi siya ang magtatrabaho."



U.S. VACATION. Sinabi rin ni Kuya Germs na maaari rin daw na bumalik si Ate Guy sa America para magbakasyon.

Patuloy niya, “Nabanggit ni Guy na gusto niyang bumalik sa America, pero bakasyon lang at babalik din siya sa Pilipinas dahil may mga trabaho siyang gagawin.

“Hindi yung katulad ng dati na doon na siya nanirahan ng ilang taon, at matagal bago bumalik ng Pilipinas.

“May mga bagay lang daw siyang aayusin sabay na rin ang pagpapahinga dahil sunod-sunod din naman ang naging trabaho niya. "



“LAOS” ISSUE. Ano naman ang masasabi ni Kuya Germs sa mga negatibong bali-balita na laos na raw ang Superstar?

“Hindi puwedeng laos si Guy dahil until now, nandiyan pa rin siya at hindi nawawala at may mga proyekto pa ring ginagawa.

“At yung mga proyektong ginagawa niya ay nagbibigay karangalan sa bansa dahil nanalo siya sa mga international film festivals abroad.

“Naniniwala ako na kahit anong mangyari ay mananatili ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa industriya.

“Marami na ang sumikat at nawala pero nandyan pa rin si Guy.

“Kahit anong panahon ang dumaan, alam kong mananatili at nag-iisa lang ang Superstar at si Guy lang yun,” deklara ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN