Jennylyn Mercado denies rumor linking her to Ilocos Sur Rep. Ronald Singson

Jennylyn Mercado responds to rumor linking her to Ilocos Sur Representative Ronald Singson. “Hindi ko po siya kilala. Saka hindi ko pa po siya nakikita kahit na hi-hello, never pa po."


Pinabulaanan ni Jennylyn Mercado ang balitang nakita siyang kasama ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson.

Sa panayam ng Startalk kay Jennylyn na umere kahapon, December 27, sinabi ng English Only, Please actress na malabong mangyari na makita siya sa Boracay, lalo pa na kasama si Ronald.

"Paano nangyari? Nagpunta ako sa Boracay nang wala sa oras?

“Saka wala akong oras, kumbaga may pelikula ako, may soap akong ginagawa, may cooking show ako, may [Sunday All Stars] ako, paano ako makakaalis?” sabi ni Jennylyn.

Idiniin pa niya, “Grabe naman, pamilya ko nga ’di ko maasikaso.”

Nilinaw din niya na hindi niya personal na kakilala si Rep. Ronald.

“Hindi ko po siya kilala. Saka hindi ko pa po siya nakikita kahit na hi-hello, never pa po," sabi ni Jennylyn.

Bukod dito, iginiit niya na wala rin siyang oras para sa bagong lovelife.

“Wala na muna kasi hindi pa rin naman ako handa.

“Sayang din naman yung oras. Ayoko rin namang mag-aksaya ng oras ng ibang tao," paliwanag ni Jennylyn.

Sa ngayon, nakatuon ang kanyang atensyon sa trabaho at sa negosyong kanyang sisimulan sa paparating na bagong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN