Jennylyn Mercado wins MMFF Best Actress

According to Jennylyn Mercado, she was very nervous just before she was named Best Actress at the MMFF: "Wala na ako ibang naramdaman kundi kaba..."


Matapos tanghalin na Best Actress ni Jennylyn Mercado para sa kaniyang role sa English Only, Please, ang kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, ay binahagi niya sa media ang kaba at saya na naramdaman niya.

Sa naganap na MMFF Awards Night sa PICC (Philippine International Convention Center) noong December 27, naikwento ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na sobrang ikinagulat niya ang pagkapanalo.



UNEXPECTED WIN. “No, no not at all. Hindi, talaga I swear hindi ko in-expect na bibigyan ako ng ganitong klaseng award. First time namin gumawa ng comedy. Nakakagulat talaga.

“Ako, wala akong ini-expect na kahit ano e. Basta ang sa akin lang, ang wish ko lang, basta yung mga tao pagkatapos panoorin yung pelikula namin, masaya, nakangiti, na hindi nasayang yung pera nila," ang sabi ni Jennylyn.

Nagulat din daw ang leading man niya sa English Only, Please, at MMFF Best Actor na si Derek Ramsay sa pagkapanalo nito. Wala nga silang naplanong victory party or selebrasyon.

“Wala, hindi namin napag-usapan kasi. Tingnan mo hindi nga siya nakapunta. So kami pareho hindi nag-e-expect. Nandito ako to support my English Only family," dagdag pa ni Jennylyn.

Puro kaba lang daw ang naramdaman ng aktres ng gabing iyon.

“Wala na ako ibang naramdaman kundi kaba... wala nang iba. Sobrang nerbiyos ko, hindi ko na siya naririnig (the winners being called out). Nagulat ako! Sigaw ako nang sigaw dun."



FIRST COMEDY ROLE. Unang sabak ito ni Jennylyn sa comedy kaya malaking gulat para sa kanya ang Best Actress award.

“Kasi ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity na makagawa ng isang comedy project, so proud ako kasi ito yung unang-una kong comedy tapos nagkaroon pa kami ng maraming award.

“Sa totoo lang, napakahirap magpatawa, timing... mahirap siya,” dagdag ni Jennylyn.



CHRISTMAS GIFT. Tauspuso rin ang pasasalamat ni Jennylyn sa mga tao na tumulak sa kaniya na gawin ang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you Lord, thank you Lord. Hindi magiging maganda yung resulta nito kung wala yung mga talagang nag-push sa akin tsaka yung mga nagtiwala sa akin.

“Yun nga kanina unang-una ko pinasalamatan si Lord, kasi ang ganda ng Christmas gift na ito bago isara yung taon na ’to. Talagang hindi ko in-expect, thank you po.

“Para sa inyo ’to, para sa lahat ng mga nanood, sa lahat ng mga sumuporta."



GOOD BEGINNING. Umaasa rin si Jennylyn na magtuloy-tuloy ang mga biyaya na dumarating hanggang sa susunod na taon.

“Siguro ano, this is a good beginning para sa akin, kasi first acting award ko ito sa comedy. Sa comedy pa! I’m hoping na tuluy-tuloy yung rom-com.

Ang pinakainspirasyon at pinaglalaanan niya ng nakamit na award ay ang anak na si Alex Jazz.

“Para ito sa aking unico hijo na si Jazz. Mahal na mahal ko si Jazz,” aniya.

ROM-COMS. Ipinahayag rin ni Jennylyn na gusto pa niya magkaroon ng iba pang romantic-comedy na mga proyekto at makapagpasaya ng mga manonood.

“Marami pa sanang rom-com. I enjoyed it talaga, oo naman. Napakaagaan, masaya. Importante para sa amin na lumabas yung mga manonood na masaya, na hindi nasayang yung binayad nila.

"I hope, I hope. Looking forward ako sa mga ganung projects."

Ano sa tingin niya ang winning factor ng English Only, Please, at nakakamit nito ng maraming award?

“Siguro yung charm, tsaka yung joy and happiness na dala namin sa mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN