KC Concepcion on "best friend" Paulo Avelino: “Parang ang feeling ko ay mas nagiging myself ako with him.”

KC Concepcion prefers not to put labels on her relationship with Paulo Avelino: “Huwag na lang kayang lagyan ng label kasi kaysa masira ito dahil may expectation. Ano na lang, let time tell na lang, hindi ba?”


Aminado si KC Concepcion na compatible sila sa maraming bagay ni Paulo Avelino, ang aktor na nili-link ngayon sa kanya.

“Marami, kasi, as in best friend nga talaga kami, e.

“Sobrang okay talaga kami, yun bang walang edit, malalim ang pang-unawa sa mga bagay.

“Private, pero at the same time… alam mo yun?

“Kahit iyong love namin for coffee, love namin for manga, iyong mga Japanese na mga anime-anime,” saad ni KC nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa ginanap na Christmas party ng dalaga para sa entertainment press.

Dagdag pa niya, “Parang ang feeling ko ay mas nagiging myself ako with him.

“Pero iyon na nga, more than dyowa ang hinahanap ko. Siyempre ang hinahanap ko ay yung, ‘Ikaw, paninindigan mo ba ako?’ Iyong ganoon.”

DEEPER RELATIONSHIP. Mapapanood si KC at Paulo sa huling kuwento ng Give Love on Christmas ng ABS-CBN na pinamagatang “Exchange Gift” na magsisimula sa Enero 5.

Sa pagsasama nila ni Paulo sa "Exchange Gift," ano ang natutunan niya?

“Ang na-realize ko po siguro, dapat ay malalim ang understanding ninyo sa isa’t isa.

“Because kung hindi, iyong mga little things ay puwede ninyong pag-awayan and then magiging big things. Hanggang sa ayaw n’yo namang saktan ang isa’t isa.

“It’s the same sa story ng ’Exchange Gift.’ Kasi wala namang prefect e, pero paano ba kayo mag-away?

“Paano niyo ba isu-solve ang problema—nagsusumbatan ba kayo, nagpipikunan ba kayo?”

Sa nasabing episode, bibigyang-buhay nila ang mga karakter nina Anna at Christian, ang mag-asawang paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ngunit sa kabila ng kanilang mga problema, mapipilitan silang magpanggap na masaya para sa kapakanan ng kanilang kaisa-isahang anak.

PETTY FIGHTS. Sa totoong buhay ba ay nag-aaway sila ni Paulo?

“Oo naman, of course, kahit sino namang…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila mag-away?

“Yung nakikita ninyo sa ’Exchange Gift.’

“Kasi kahit naman paano, may time na… matalino naman siya, siyempre argue-argue iyong sa kanya. ’Tapos siguro ay hindi naman ako bobo para hindi rin i-ano iyong sa akin.

“Yung pride lang namin talagang dalawa ang dapat naming lunukin. Ganoon naman daw talaga kahit sa friendship, kahit sa magnanay, magtatay, you know?”

LESSONS FROM PAST RELATIONSHIPS. Ano ang mga natutunan niya sa kanyang mga nakalipas na relasyon?

“Sa totoo lang, ang hinahanap ko talaga is someone na kind, someone na sana ay Kristiyano talaga. Ako kasi, Christian.

“Kumbaga, somebody na may intention na hindi lang i-girlfriend ako, kundi may intention na pakasalan ako.

“Kasi nandoon na ako e, hindi lang dahil uso. Pero kasi, siguro bilang babae, hindi ba?

“Parang, you don’t wanna waste your time na parang boyfriend-boyfriend lang, dyowa-dyowa lang.

“Gusto ko ay mas ready siya kaysa sa akin. Not Paulo… I mean, in general iyong hinahanap ko.

“And somebody na kind, kasi iyon nga, hindi maiiwasan na mag-aaway kayo, e.

“Pero paano kayo mag-away, iyon ang importante. Paano ninyo isu-solve na hindi ninyo nasasaktan ang isa’t isa.”

RELATIONSHIP WITHOUT LABELS. Ano ang lagay nila ngayon ni Paulo?

“Kami ni Paulo, wala pang label. Kasi siyempre, ang bata pa niya at the same time ako rin naman. Pero kahit paano, I’m a couple of years older.

“Sabi ko, kung ready na ba akong magpakasal, ready na ba siya if ever na siya ba? Sa inyo ko lang ikinuwento ito, kasi wala naman siya [rito],” nakangiting saad ni KC.

“Parang thought balloon lang na, huwag na lang kayang lagyan ng label kasi kaysa masira ito dahil may expectation. Ano na lang, let time tell na lang, hindi ba?”

Patuloy pa ni KC, “Na kung mayroon siyang ma-meet na girl na feeling niya na mas swak sa future niya, mas swak sa kanya ngayon, pag-uusapan namin iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ayaw ko naman na mape-pressure, ’tapos mamaya may gawin kami na in the future ay waley [wala] rin.”

ON MOMMY SHARON. Kumusta naman sila ni Mommy Sharon Cuneta?

“Kami ni Mama, ayun sabi ko, ’While Mita [her deceased grandma] was spending time with us, you were working.’

“So, kami ni Mama ngayon, I think ang bond namin is, sabi ko nga, ‘Kung ano man ang mga dahilan kung bakit hindi tayo naging close before,’ kasi feeling niya siyempre lagi akong na kay Mita, imbes na sa kanya…

“Eto na yung chance sabi ko, ‘Wala na si Mita and ikaw naman talaga yung Mommy ko.

“’Hindi ka naman ganoon na kaano ngayon…’ Busy siya pero hindi siya yung katulad dati na hindi ko na talaga siya nakikita.

“Sabi ko, ‘I want you to know na mahal kita.’ Alam mo iyon?”

Masasabi ba niyang mas malapit sila ngayon?

“Sana maging opportunity [ito] para mas mag-open yung heart namin sa isa’t isa.

“I’m really proud of her because she’s starting to take care of herself. Yung kapayatan kasi, it goes for [both of] us. I mean, noong namatay yung Lola ko, nag-gain ako ng weight.

“Sabi ko, it’s ano talaga, kumbaga reflection of what’s happening sa heart mo, e. So sabi ko, ‘wag lang yung payat na mabilis. Iyong gawin mo talaga because mahal mo yung sarili mo.

“Kasi, hindi ko maa-afford, ‘di ko kaya na may sakit din siya and then kawawala pa lang ni Mita. ‘Aalagan natin yung sarili natin, kasi tayo na lang natira.’”

PLANS FOR MOM’S BIRTHDAY. Ano mga plano ni Mega para sa birthday niya sa January 6?

Tugon niya, “Sa birthday ni Mama, gusto niyang i-celebrate, kasi 49 na siya. Sa Chinese, sabi kailangan daw malaki yung celebration para… I don’t know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May concert ba siya?

“Well, na-mention niya noong birthday ni Frankie noong 16 na, ‘Anak, kailangan ko pala isipin yung birthday ko.’

“So sabi ko, ‘Anong plano, Ma?’ Sabi niya, ‘Wala pa nga akong naiisip! Christmas na, wala akong naiisip, e.’

“Siyempre sa mga moments na ganito, like ako, hindi agad ako bumabalik sa ASAP, parang twice pa lang. Sabi ko, ‘Sasayaw-sayaw ako, nagmu-mourn pa kami.’

“Parang hindi naman yata maganda yung feeling na magsasayaw-sayaw akong ganoon, na parang nai-iyak na ako… ganoon.”

BIRTHDAY WISH FOR MOM. Ano ang birthday wish niya para kay Sharon? Na magtuluy-tuloy na ang pagiging sexy o slim niya?

“Not just sexy, pero yung happy and healthy. Ang wish ko sa kanya, makapag-exercise ng ano…

“Yung ’di ba, kasi iba yung magpapapayat ka, iba yung maganda talaga para sa katawan mo ang ginagawa mo?”

Dapat ba magkasama silang mag-ina sa pag-workout?

“Kailangan e, kasi ako rin kailangan na ring pumayat. Pero kasi nahihiya pa siya,” nakangiting saad pa ni KC.

May show ba si Mega na nakatakdang gawin?

“May plan. Feeling ko, nagpapapayat siya kasi may mga mangyayari,” bitin na tugon ng aktres.

Magugulat kaya ang fans ni Sharon kapag nakita siyang muli?

“Actually payat naman siya before, ‘di ba? I mean, kumbaga maganda naman talaga yung katawan niya before.

“Mararamdaman lang nila na, she’s back,” nakangiting pagwawakas ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN