Mylene Dizon too busy to think about marriage

Mylene Dizon describes her boyfriend Jason Webb as "napaka-fair na tao, level-headed," and her relationship with him as "serious" and "mature."


Ang huling proyekto ni Mylene Dizon sa GMA ay ang Dyesebel, ang teleseryeng pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ikakasal na sa December 30.

At ngayong balik-Kapuso siya, natutuwa raw si Mylene na nagkatuluyan ang dalawa.

“At saka imposible namang hindi.

"Parang yun na yun. Sobra naman nilang sweet.

“At saka nasa age naman na sila.”

HAPPY. Tungkol naman sa kanyang isang taon na relasyon kay Jayson Webb, “Masaya lang.”

Seryoso naman?

“Seryoso naman, palagi namang serious.

"Palagi naman akong serious.

"Sila lang naman ang hindi ako sineseryoso, etchos,” natatawang sabi ni Mylene.

Dugtong din niya, “I’m kidding, I’m kidding.

"Saka feeling ko nag-mature ako finally, I think, ha.

"Steady. May sarili siyang life, may sarili akong life.

"Pero gusto naming palaging magkasama when we really get the chance to.

“Napaka-fair na tao, level-headed, ayos naman.

"Kinakaya naman ako. Kinakaya ko,” biro pa niya.

Sabi niya, nag-mature na siya, paano kung gustuhin ng boyfriend niya na magpakasal na sila, handa na siya?

“Easy lang tayo, easy lang, brod.

"Steady lang tayo, may mga anak na tayo at lahat."



Kung sakali, okay ba siya sa ideya ng kasal?

“Ewan ko, hindi ko siya naiisip, e,” sagot niya.

“Busy ako, pinaghahati-hati ko ang oras ko—sa work, sa mga bata, sa lovelife, sa surf.

"Ang dami kong ginagawa.”

Kasama raw talaga sa buhay niya ang surfing. Ang totoo niyan, noong December 19 ay dumiretso na rin siya ng La Union kasama ang mga anak para sa Christmas break nila.

Pagkatapos ng Pasko, balik taping na rin daw kasi siya para sa Once Upon A Kiss.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN