Vice Ganda: "Santa Claus died on Christmas day."

Vice Ganda: “Gusto ko lang ho talagang magpasalamat sa lahat ng taong napakalalaki ng puso at nagbuhos ng pagmamahal sa akin at sa lolo ko. Maraming-maraming salamat ho. Mawawala rin itong lungkot sa mukha ko kapag masayang-masaya na ulit ako, pasasayahin ko rin ho kayo.”


Tumabo ng P53 million pesos sa unang araw ang pelikula ni Vice Ganda na The Amazing Praybeyt Benjamin.

Ito ang highest gross opening sa box-office ng Metro Manila Film Festival 2014.

Pero kasabay ng tagumpay na tinatamasa ni Vice ngayon ay ang hindi maikukubling pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng pinakamamahal na si Lolo Gonzalo.

SANTA LOLO. Sa eulogy ni Vice para sa kanyang lolo, kahit na nagdadalamhati, nakuha pa rin niyang magpatawa.

“Sinabi ko sa sarili ko, gusto ko siyang maging proud sa akin.

"Sinigurado ko na bago siya mamatay, proud siya.

"Nakakatuwa nga kasi, bago siya umalis, nanood muna siya ng Metro Manila Filmfest.

"Namatay siya after ng last full show.

“Mahal na mahal ako niyan.

“Mahirap lang kami dati pero palagi kaming may regalo.

"Palaging may laman yung medyas, kasi nga hindi papayag si Santa Claus na may batang nalulungkot tuwing Pasko.

"Lalo na kung yung batang yun e apo niya.

“Santa Claus is my greatest fan and I’m thankful to Santa Claus and I love Santa Claus so much.

"And I’m so sad right now because Santa died on Christmas day.”

CRAZY SAD. Hindi na napigilan ni Vice ang lumuha.

Sabi pa ni Vice, “Hindi ko alam kung naririnig niyo ba ’ko or nakikita niyo ba ’ko.

"Kung naririnig niyo pa ’ko or nakikita niyo ’ko, ibig sabihin, nakakakita kayo ng multo.

“Kasi hindi ko alam kung buhay pa ’ko ngayon, hindi ako sigurado.

"Paano ’ko magiging buhay e patay na ang puso ko?

"Patay na yung boyfriend ko, pati na yung best friend ko.

“Para akong masisiraan ng ulo, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

"Mahal na mahal ko ang Lolo ko.”

THANKFUL. Sa panayam ng The Buzz kay Vice, nagpahayag ito ng pasasalamat sa lahat ng mga taong nakiramay.

Ayon kay Vice, “Gusto ko lang ho talagang magpasalamat sa lahat ng taong napakalalaki ng puso at nagbuhos ng pagmamahal sa akin at sa Lolo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko po na humaba-haba pa ang buhay niya dahil sa tulong ng mga panalangin ninyo.

“Hanggang ngayon ho, kaisa ko kayo sa pagdadalamhati at ng pamilya ko.

“Hindi man pisikal pero alam ko na hinahawakan niyo ang kamay ko para maging matatag ako.”

Dugtong pa ni Vice, “Maraming-maraming salamat ho.

"Mawawala rin itong lungkot sa mukha ko kapag masayang-masaya na ulit ako, pasasayahin ko rin ho kayo.”

Kahapon, December 28, ay nai-cremate na rin ang labi ni Lolo Gonzalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN