Dingdong Dantes to wed Marian Rivera today

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng marami, ang pagpapakasal ng "Kapuso royal couple" na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nakatakdang ikasal ang dalawa ngayong araw, December 30, sa Immaculate Conception Cathedral, Cubao, Quezon City.


Today is the big day!

Napakaespesyal ng petsang December 30, 2014, Martes, para kina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil ito ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Ngayong araw ikakasal sina Dingdong at Marian sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Gaganapin naman ang wedding reception sa Mall of Asia Arena, sa Pasay City.

Dahil sa limitadong espasyo ng simbahan, hindi lahat ng mga imbitado ay dadalo sa mismong seremonya ng kasal nina Dingdong at Marian.

Karamihan sa kanila, kagaya ng entertainment press, ay para sa reception sa The Arena ang natanggap na imbitasyon.

Limitado rin ang coverage dahil exclusive ito sa GMA Network at YES! Magazine.

Ngunit nangako naman ang management team nina Dingdong at Marian na mamamahagi sila ng mga larawan at video sa ibang media outlets pagkatapos ng kasal.

Masasabing star-studded ang kasalang Dingdong-Marian dahil bukod sa itinuturing ang dalawa bilang "Kapuso royal couple" ay marami ring celebrities, mula sa showbiz at politics, ang inaasahang dadalo.

Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga sasaksi sa pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian mamaya bilang Witness of Honor.

Kabilang sa principal sponsors sina Batangas Governor Vilma Santos, Vic Sotto, Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Helen Gamboa, Celia Rodriguez, German Moreno, at Kris Aquino.

Pati na ang network executives na sina Atty. Felipe Gozon, Jimmy Duavit, Lilybeth Rasonable, at Wilma Galvante; ang film/TV producers na sina Lily Monteverde, Wilson Tieng, at Tony Tuviera; ang mga direktor na sina Mark Reyes, Mac Alejandre, at Joyce Bernal.

Kasama rin sa principal sponsors ang talent managers na sina Perry Lansigan at Lolit Solis; ang cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo; ang fashion designer na si Randy Ortiz at ang Bench owner na si Ben Chan.

Sa secondary sponsors o mga abay naman, kabilang sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo (Maids of Honor); Richard Gomez and Lucy Torres (candle); KC Concepcion and Senator Bam Aquino (cord); Ai-Ai delas Alas and Gabby Eigenmann (veil).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa groomsmen sina Paolo Contis, KC Montero, Carlo Gonzalez, at Arthur Solinap.

Bridesmaids naman sina Agot Isidro, Luane Dy, Rochelle Pangilinan, Bettina Carlos, at Bianca Gonzalez; at ang stylists na sina Pam QuiƱones at Liz Uy.

Pinangungunahan ng child superstar na si Ryzza Mae Dizon ang flower girls, kung saan kabilang din ang ana ni Bettina Carlos na si Amanda Lucia at ang anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Katrence.

Ang anak naman nina Ogie at Regine na si Nathaniel James ang isa sa mga magdadala ng crucifix.

Noong Linggo, December 28, ay dumating na ang ama ni Marian na si Francisco Javier Gracia Alonso mula sa Spain upang ihatid ang Kapuso actress sa altar mamaya.

December 27, Sabado, naman nang dumating ang Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco na siyang gumawa ng wedding gown ni Marian.

Excited na ba kayo sa sinasabing "wedding of the year"?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN