Eight bishops, seven priests lead Dingdong Dantes and Marian Rivera’s wedding ceremony

Dingdong Dantes and Marian Rivera’s wedding ceremony is being presided by bishops and priests who are mostly close to the couple. It is being held at the Immaculate Concepcion Cathedral of Cubao, where Dingdong had his baptismal. It is also located a few blocks away from his childhood home.


Tunay na engrande ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ginaganap ngayong araw, December 30.

Puno ng may limang libong orchids at white roses ang harap ng Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City, na siyang venue ng wedding ceremony.

Bukod pa sa mga bulaklak na galing dito sa bansa, halos dalawang milyong piso ang halaga ng imported flowers mula sa Thailand at China na ginamit bilang dekorasyon sa simbahan.

Ayon pa sa ulat ng Balitanghali, may wide screen LCD TV sa labas ng simbahan para sa live feed ng wedding ceremony na masasaksihan ng piling fan groups nina Dingdong at Marian.

Tiniyak ding mahigpit ang seguridad sa lugar para sa VIP guests ng naturang okasyon, kabilang na si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III, na tatayong witness of honor ng couple.

Sa hiwalay na ulat ng Unang Hirit kaninang umaga, nakapanayam ng TV host na si Suzi Abrera at reporter Lhar Santiago ang rector ng Immaculate Concepcion Cathedral na si Fr. Aris Sison.

Ibinahagi ni Fr. Sison na walong bishops at pitong pari ang concelebrants para sa misa ng wedding ceremony nina Dingdong at Marian.

Ang tatayong main celebrator ay ang pinuno ng Diocese of Cubao na si Bishop Honesto Ongtioco.

Ang gospel reader ay si Fr. Tito Caluag, na naging high school principal ni Dingdong sa Ateneo de Manila University.

Habang si Bishop Teodor Bacani naman ang napili ng couple na mag-deliver ng Homily.

Pasado alas-tres na ng hapon nag-umpisa ang wedding ceremony, kung saan ang napiling entourage ay binubuo ng 40 principal sponsors at 18 pairs of bridesmaids and groomsmen.


OTHER PREPARATIONS. Base sa live blog ng GMA News Online, tinatayang dalawang milyong piso ang halaga ng bridal gown ni Marian na gawa ng Dubai-based designer na si Michael Cinco.

Gawa ito sa French lace na kulay ecru at may disenyong puno ng Swarovski crystals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Suot din ni Marian ang simpleng silver tiara na may pearl embellishments na gawa ni @jayweehair

Samantala, tuloy pa rin ang preparasyon sa loob ng SM MOA Arena kung saan gaganapin ang wedding reception.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN