Kiray Celis hopes to return to LUV U but she’s not complaining: "Hindi pa naman ako sikat para mag-inarte..."

Eighteen-year-old Kiray Celis reveals her mom has a say about her love life. Like Mommy Divine and Sarah Geronimo? “Wow, pop star ba ako? Sana yumaman rin ako katulad ni Sarah,” she remarks good-humoredly.


Wala pang katiyakan kung kailan magkaka-boyfriend ang petite comedienne na si Kiray Celis.

Sa exclusive interview kay Kiray ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) no’ng December 27 sa Metro Manila Film Festival 2014 awards night, sinabi niyang naghihintay lang siya ng basbas mula sa kanyang ina na payagan na siyang mag-boyfriend.

Saad niya, “’Pag okey na kay Mama, sana ’pag okey sa akin, okey rin sa pamilya ko.”

Aminadong nahihirapan din siya sa situwasyong hindi siya magkaroon ng chance na umibig sa isang lalake.

Sabi pa ni Kiray, “Siyempre kung mahal ko, mahal rin ng pamilya ko.

"Mahirap naman yung ikaw lang ang nagmamahal, ’di ba?”

MOMMY ISSUE. May sumulpot na balitang nagli-link kay Kiray at sa isang TV assistant director, totoo ba ito?

“Ah, nanliligaw pa lang,” tugon niya.

Kung oobserbahan hindi nalalayo sa situwasyon dati ng mag-inang Sarah Geronimo at Divine ang estado ngayon ni Kiray.

Matagal-tagal ding hinigpitan ni Mommy Divine sa Sarah sa mga nanliligaw dito.

Nakangiting comment agad ni Kiray, “Wow, pop star ba ako?

"Sana yumaman rin ako katulad ni Sarah.”

May usapan daw sila ng kanyang ina tungkol sa kanyang love life.

“Ewan ko sa kanya, mabubulok na ako hindi pa ako nagkaka-boyfriend,” sabay tawa niya ng malakas.

Dugtong pa niya, “Sabi ni Mama, twenty-five [years old] puwede na akong magka-boyfriend.

"Hindi asawa, boyfriend.”

HOUSE FIRST. Eighteen na si Kiray, bakit ganito kahigpit ang ina niya sa personal life nito?

“Siyempre, hindi pa natutupad yung pangarap ni Mama na magkaroon ng bahay.

"So, ipon muna. Pangarap muna.

“’Pag nangyari yun, ibig sabihin nakakatulong na ako sa pamilya ko.

"Natupad ko na ang pangarap ko at para sa pamilya ko.”

Nahihirapan ba siya na pigilan ang puso niya?

“No, I’m happy. Masaya akong tinutulungan ko sila.”

Paano ’pag 25 na siya pero hindi na ganyan ka-fresh?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, naging fresh ako sa buong buhay ko,” sabay ngiti niya.

NEW YEAR’S WISH. Isa ba sa wish niya this 2015 ay tumangkad pa?

“Ay, hindi na. Ang wish ko, pumayat. Gusto ko ng abs, hanggang cuts lang ako, e.”

Ano naman ang goal niya next year?

“Siyempre, yung magkaroon ng maraming trabaho.

"Makasama uli ako sa MMFF dahil two years in a row ko na.

"Pang-third year ko next year, if ever.”

“Siyempre, maraming trabaho at makabalik na rin sa LUV U.

"Wala pa, wala pa naman.”

Matagal-tagal na rin daw na wala siyang regular show, "Siguro mga one year or two years na.”

Hindi ba siya nagtatampo or nagtatanong?

“Hindi pa naman, hindi pa naman ako sikat para magtampo. Siguro kung sikat ako, ‘Bakit ganon?’

“Hindi pa naman ako sikat para mag-inarte nang ganon.”

Paano ang financial status niya?

“’Pag rumaraket ako sa labas, kanta-kanta.

"Doon namin nakukuha yung pang-ano namin ni Mama, sa bahay namin.

“Kaya pa naman, pero mas maganda kung meron talagang regular.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN