(UPDATED) Chris Brown loses passport; misses Philippine New Year countdown

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit sa production team ng isasagawang New Year countdown sa Philippine Arena, na-miss diumano ng American singer na si Chris Brown ang kanyang flight papuntang Pilipinas.


Hindi diumano makakarating ang American RnB singer na si Chris Brown sa 2015 New Year’s eve countdown ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ngayong gabi, December 31.

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit sa production team ng isasagawang New Year countdown, na-miss daw ni Chris ang kanyang flight papuntang Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng nandito na sa bansa ang kanyang dancers at iba pang may kaugnayan sa gagawin sana niyang performance mamayang gabi.

Kinumpirma naman ng legal counsel ng Iglesia Ni Cristo na si Atty. Anthony Garcia Gacal, sinabi sa kanila ni Chris na nawala ang kanyang passport ilang oras bago ang kanyang flight sana papuntang Manila.

Kaugnay nito ay nag-tweet din si Chris na hindi nga siya makakapunta ng Pilipinas dahil sa "unfortunate circumstances."

Makakasama sana ni Chris na magpe-perform sa Philippine Arena ang local artists na sina Bamboo, Sam Concepcion, Enrique Gil, KZ Tandingan, Morisette Amon, at ang rock band na Brisom.

Mula naman sa Japan, makikisaya rin ang dance group na Tempura Kidz.

Tiyak na maraming bumili ng tickets para sa New Year countdown na ito ang magiging dismayado sa hindi pagdating ni Chris.

Ang Philippine Arena, na itinayo ng Iglesia Ni Cristo, ay ang itinuturing ngayong pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN