Katrina Halili back on the cover of FHM Philippines after nine years

IMAGE From Facebook Page of FHM Philippines

Katrina Halili is ready to keep up with hot celebrity moms in 2015: "Ayaw kong mahuli, sandali lang. Kaya sabi ko, sige na, para sa 2015 bago na, payat na."


“Ayaw kong mahuli, sandali lang!”

Ito ang natatawang sinabi ni Katrina Halili nang tanungin siya ng StarTalk tungkol sa muling pagpapa-sexy niya para sa cover ng January 2015 issue ng FHM Philippines.

Ayon sa 28-year-old Kapuso actress, handa na rin siyang makipagsabayan sa iba pang hot celebrity moms ngayong taon kaya pumayag siyang maging cover muli ng naturang men's magazine.

“Sabi ko, sige na, para sa 2015 bago na, payat na,” dagdag pa ni Katrina.

Huling nakita sa cover ng FHM si Katrina noong 2006.

Itinanghal rin siya bilang Sexiest Woman in the Philippines noong 2006 at 2007.

Bagamat may kaunting pag-aalangan na muling gawin ang pagpapa-sexy, sabi ni Katrina na parte lamang ito ng trabaho.

Importante rin daw na sisiguruhin niyang hindi ito makakasama sa kanyang pagiging ina.

Sa katunayan, kinausap ni Katrina ang anak na si Katrence bago tanggapin ang proyekto.

“Sabi ko, 'Anak, pasensiya ka na, ha? Promise, hindi malaswa ito. Kailangan kong mag-work, anak.'

“Kasi before, parang tama na, ayaw ko nang mag-work, tinatamad na ako, parang ganun.

“Pero ngayon, parang wait lang, ngayon ko na minamahal ang work ko, nag-e-enjoy ako.”

Sa ngayon, gusto na raw muna ng single mom na ituon ang kanyang atensiyon sa two-year-old daughter niyang si Katrence at sa trabaho.

Iwas na raw muna siya sa panibagong relasyon matapos ang paghihiwalay nila ng dating boyfriend na si Kris Lawrence.

Ani Katrina, “Sa ngayon kasi, si Katy lang ang priority ko talaga.

"Parang hindi ko kayang magbigay ng isa pang time sa isang tao.

"Parang wala na akong time.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN