Vice Mayor Isko Moreno dreams of becoming mayor of Manila

Although it is the dream of Vice Mayor Isko Moreno to become city mayor, he will not oppose Manila Mayor Erap Estrada if he runs for the second term. "Ibibigay ko sa kanya for the sake of the city. Nakakapagod na yung away-away, e. Yung laban-laban," he says.


Kahit nitong nakaraang holiday season, subsob pa rin sa kanyang trabaho si Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Magkatuwang sila ng alkalde ng lungsod na si Joseph "Erap" Estrada sa kanilang gift-giving activities.

“Masayang ipagdiwang ang Kapasukuhan nang may pasasalamat,” sabi ng actor turned politician nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang opisina noong December 29.

Patuloy niya, “Tuluy-tuloy ang gift-giving namin hanggang bago mag-New Year.

"Itong mismong Bagong Taon, fireworks display naman ang aming handog para sa taong bayan."

WI-FI CITY. Ikatutuwa naman ng mga kabataan ang susunod niyang balita.

Pahayag ni Vice Mayor Isko, “Sa Taft Avenue, makakaramdam na kayo ng wi-fi signal.

"Nagsimula sa España, ngayon dini-develop natin buong Maynila na.

“First ‘yan in the country, Wi-Fi City.

“Ginagawa na natin ngayon sa Taft Avenue, sa Roxas Boulevard, and some portions of Malate.

"Pati sa university belt sa Central Manila at saka sa South Manila.

“Ito ay para makatipid ang mga tao. I mean, at the end of the day, you pay for your data plan na iba pa sa call plan mo.

“So, at the very least, when you’re here in Manila, while in traffic, especially sa mga gaya niyo na journalist, na may mga deadlines, puwede na ninyong gawin ito kahit you’re in the middle of a heavy traffic, halimbawa.

“Because of this technology, we can still work even though we’re at a standstill o hindi ka gumagalaw.

"I want people to be productive… anybody for that matter.

“At ang maganda rito, walang cost sa city. Private sector pa rin.”


TOUGH YEAR. Sa assessment ni Vice Mayor Isko, 2014 has been a tough year para sa administrasyon nila ni Manila Mayor Erap.

“Because of the challenges of the city.

"At sa tingin ko, itong 2015 will be another tough year.

“Because, you know, hindi maikakaila na iniwan na bangkarote ang Manila ng dating adiministrasyon [Mayor Alfredo Lim].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Out of P4.4 billion na utang na iniwan ng nakaraang administrasyon, in one year lang, nabayaran ni Erap ay P3 billion.

"So, itong 2015, fiscally, healthy na ang Manila.”

At nasa ayos na raw sana ang Maynila by the time na siya naman ang tatakbo bilang alkalde ng siyudad.

“Pangarap ko talaga na maging mayor ng Maynila,” nangiting pag-amin ni Vice Mayor Isko.

Isang term lang naman talaga ang plano ni Erap na bilang punong-lungsod.

“Sinabi naman niya ‘yon.

"But the thing is… for what purpose it may serve, kung halimbawang gusto pa niya ulit na mag-mayor, halimbawa lang na gusto pa niyang mag-mayor ulit, ibibigay ko sa kanya for the sake of the city.

“Nakakapagod na yung away-away, e. Yung laban-laban.

“E, kung napapabuti naman yung siyudad.

“Yung akin naman, personal ko lang naman yung pangarap ko na ‘yon na maging alkalde.

“Ang mahalaga ay yung pangarap natin sa Maynila na maiayos. Kung ang Maynila ay may pupuntahan uli.

DEBT-FREE. Inilahad din ni Vice Mayor Isko ang mga plano ng administrasyon nila para sa lungsod ng Maynila.

“Ayan, nakita niyo naman na we have the larget and most high-tech command center, which was built in four months' time.

“Ngayon, tayo ang kukuning head ng security ng Santo Papa sa pagbisita niya sa bansa... because of the system that we created.

“We have a Wi-Fi City, we have a fiscally healthy city.

“So, the next time around, you’ll see physical development naman.

"Because any project boils down to funding.

“Without it, if you have a bankrupt government, you cannot do something about it.

“I mean, you cannot do anything without money.

"So, ang in-address ni President Mayor ay ayusin muna yung problema sa pera na pagkakabaon sa utang ng Maynila.

“Which is by 2015, bayad na lahat, debt-free na ang Maynila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita na kung hindi na tatakbong mayor ng Maynila si Erap, ang asawa nitong si dating Senator Loi Ejercito naman daw ang kakandidato. Ano ang reaksiyon niya rito?

Nakangiting reaksiyon ni Vice Mayor Isko, “Pinag-uusapan lang ‘yon sa mga barber shop.”


ASPIRATION. Bukod sa pagiging mayor ng Maynila, may ambisyon din ba siyang tumakbo for a higher office gaya sa Congress o sa Senate?

Tugon ng That's Entertainment alumnus, “I will definitely run in 2016.

“Puwedeng barangay kagawad o barangay chairman.

"Puwedeng Congress, puwedeng Senate.

“Puwede ring sa Roxas Boulevard... takbo lang naman, e!” biro pa niya.

Bago ang Holiday season ay kagagaling lang niya sa U.S. Para saan nga ba yung biyahe niyang’yon?

“Nakapag-aral ako ulit sa Harvard University.

“Nag-aral na ako doon dati, 'tapos sa Oxford University.

“Ngayon, sa Harvard ulit.

“Kumuha ako ng short course on Emerging Leaders.

“Mas mahirap yung sa Oxford, Strategic Leadership.”

Dagdag niya, "Kasi kapag may libre akong oras, ang ginagawa ko, nag-eeskuwela ako.

"Kumukuha ako ng mga short courses or executive programs sa iba’t ibang dako ng mundo.

“Nakakatsamba naman ng konti.

"Akalain mo, basurero lang, nakakapag-aral sa Harvard at sa Oxford?” tawa na naman niya.

Araw-araw mang busy sa pagiging public servant, maayos naman daw ang lagay ng kanyang pamilya.

“Lima na ang anak ko. Puyat pa ako nun!” natawang biro niya ulit.

“My eldest is ano na… 15. Two years old naman yung youngest.”

Hindi pa rin nawawalan ng offers sa kanya sa acting profession.

Sa 2014 Metro Manila Film Festival entry ni Robin Padilla na Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay mayroon siyang cameo role bilang si Padre Burgos.

Ibig sabihin kaya ay isisingit niya paminsan-minsan ang pag-aartista?

Tugon niya, “Hindi naman sa ano… actually it’s a matter of… ang public service, demanding sa time ‘yan.

“I don’t want to take advantage of the opportunity given to me by the people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN