Alden Richards wishing for a lovelife in 2015

It will be a busy year for the Kapuso Primetime Prince. Alden Richards is slated to do a movie in the first quarter and a new soap in the second quarter.


Hindi ikinakaila ng Kapuso actor na si Alden Richards na na-inspire siya sa nasaksihang kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December 30.

Present si Alden mula sa simbahan hanggang sa reception ng mga itinuturing niyang kuya at ate sa showbiz at sobra raw siyang natuwa sa kanyang nasaksihan.

Mabilis nga ang naging sagot ni Alden sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung na-inspire ba siya sa pag-iibigan nina Dingdong at Marian.

“Sobra!” bulalas niya.

“Kasi, they’ve been together for seven years at kapag naghanap ka naman ng partner, dapat hindi ka hahanap ng magiging asawa mo lang.

"Dapat puwede mo rin siyang maging best friend, puwede mo rin siyang ate, kapatid.

"Kumbaga, all in one, at suwerte sila sa isa’t isa na meron silang ganun na makakasama nila habambuhay.”

LOOKING FORWARD TO 2015. Naging maganda ang taong 2014 para kay Alden lalo na pagdating sa kanyang career.

Sa taon ding ito siya nabigyan ng label bilang "Kapuso Primetime Prince."

Sa pagpasok ng 2015, ano naman ang mga gusto niyang mangyari o makita?

Tugon niya, “Yun nga po, sana more projects, endorsements to come po sa career and, so far, may mga niluluto na po.

"Nagkakaroon na po ng ilang meetings with different production houses.

"Parang magmu-movie muna po ako sa first quarter of the year, second quarter pa po ang soap.”

Mainstream movie daw ang gagawin ni Alden, pero ayaw pa muna niyang i-reveal kung anong production outfit.

Pero excited daw siya kung matutuloy ang pelikulang gagawin niya.

May New Year’s resolution ba siya?

“Ang New Year’s resolution ko po, sana mas maging hardworking at persistent sa pag-achieve ng mga pangarap sa buhay.

"Sa family, happier and stronger family bond.”

Dugtong pa niya, “Sa lovelife, sana meron na ngayong 2015.

"Good health and long life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN