Miguel Tanfelix on being pitted against Daniel Padilla: “Pressure yun, siyempre.”

Miguel Tanfelix on being hailed as Kapuso Network’s contender for Daniel Padilla: “... Nasa itaas na siya. Kami po ni Bianca [Umali] nagsisimula pa lang po.”


Umangat ang popularidad ni Miguel Tanfelix nang maging bida siya sa Niño noong nakaraang taon, at sa pag-ere ng Once upon a Kiss nila ni Bianca Umali ay tiyak na sisikat pa siya.

Sa edad niyang 16, paano naha-handle ni Miguel ang kasikatan?

“Basta keep your feet on the ground lang. Kasi ganun naman talaga, e.

“Lagi kang magpapasalamat, lagi ka dapat thankful kay God, sa family and sa supporters mo, at lalung-lalo na sa GMA po,” saad niya.

May mga bagay ba na nagagawa niya dati na hindi na niya magawa ngayong sikat na siya?

Ayon kay Miguel, “Yung siyempre mamasyal, kasi dati kaya mong mamasyal sa malls ng walang nakakakilala. Pero masaya naman po dahil may nakakakilala na nga po ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa presscon noong December 19 ng Once upon a Kiss sa GMA Network Centre.

Sa direksyon ni Binibining Joyce Bernal at ipapalabas sa Lunes, January 5, pagkatapos ng More Than Words, pinagbibidahan ang Once upon a Kiss nina Miguel (bilang Prince Pelaez) at Bianca (bilang Ella Rodrigo).

CHRISTMAS WITH FAMILY. Nitong nakaraang Pasko ay kasama ni Miguel ang pamilya niya.

Masaya niyang kuwento, “Sa bahay lang, Noche Buena ng [December] 24, 'tapos 25 maraming program, mga activities, games, sa bahay namin. Marami kami, mga kamag-anak.

“New Year ganun din, mas maraming games ng New Year.”

THANKFUL FOR BLESSINGS LAST YEAR. Ano ang pinakamagandang nangyari kay Miguel nitong nakaraang 2014?

Sabi niya, “Siyempre dumating yung mga blessings, yung ganun. Shows, yung Niño.”

Wala raw maituturing si Miguel na pangit na nangyari sa kanya noong nakaraang taon.

“Thankfully, wala naman,” pagbabalik-tanaw niya.

Ang New Year’s resolution ni Miguel…

“Siguro mas pagbubutihin ko yung work ko and mas mamahalin ko pa yung family ko and yung mga supporters siyempre.”

INVESTMENTS. Dahil maagang nagtrabaho simula noong sumali siya at naging runner-up sa StarStruck Kids, natural lamang na may mga investments na si Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakamalaking na-invest? Siguro bahay po,” pakli niya.

Lupa ang unang binili ni Miguel na pinatayuan niya ng bahay.

“Last year pa lang siya sinimulang gawin, ngayon tapos na pero hindi pa totally tapos, papalagyan ko pa ng third floor, mga ganun. Dun na po kami nakatira,” lahad pa niya.

LOYAL KAPUSO. Gaano siya ka-loyal sa GMA?

“Since StarStruck Kids nandito na po ako, so masasabi ko po talagang loyal po talaga ako,” pagmamalaki ng young Kapuso prince.

Ngayong taong ito ay ibabalik ng GMA ang artista search nito na StarStruck; okay lang raw iyon kay Miguel.

Hindi niya inisip na, “Ang dami na naming artista!”

“Okay naman na bibigyan ng chance sa lahat ng taong gustong mag-artista. And masaya rin, magkakaroon ng bagong friends!” pahayag niya.

ADVICE TO NEWBIES. Ano ang maipapayo niya sa mga sasali sa naturang artista search?

“Kung gusto niyo talaga yun, go, i-pursue mo yun.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Pagbutihin mo lahat ng tasks na ibibigay sa iyo,” sambit din niya.

SCHOOL WORK. Nag-aaral si Miguel ngayon sa Cavite School of Life. Home-schooled siya at nasa fourth year high school na ngayon.

Nais niyang kumuha ng kursong Film sa kolehiyo.

“Film, dahil madali na rin, nasa field of acting na rin kami.

“Or baka mag-pilot po ako. Gusto ko pong maging pilot,” pag-amin niya.

Balak rin niyang kumuha ng Engineering.

“Mahilig ako sa Math!” bulalas niya.

Kung papipiliin siya ng isa lang?

“Siguro Film muna, baka pagsabayin ko muna ang pag-aartista at pag-aaral. And after nun, 'tsaka ako magpa-pilot or Engineering,” dagdag pa niya.

Ang advantages ng pagiging isang artista para kay Miguel?

“Nakikilala ka, nakakapagpasaya ka ng mga tao,” ani Miguel.

Ang disadvantages?

“Siguro, nakakapag-aral ka naman pero hindi yung regular school talaga. Iba kasi yung regular school po talaga, e.”

PITTED AGAINST DANIEL. Siya ang sinasabing katapat ni Daniel Padilla sa GMA. Ano ang komento niya dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow! Pressure yun, siyempre. Daniel Padilla nasa itaas na siya. Kami po ni Bianca [Umali] nagsisimula pa lang po,” pagpapakumbaba niyang pahayag.

Pero handa raw siyang gawin ang lahat para sa kanyang career.

Pahabol pa niya, “Yes po, love ko naman po itong work na ito kaya kahit ano pong ibigay sa akin.”

Samantala, nasa Once upon a Kiss din sina Manilyn Reynes bilang Aurora Rodrigo, Michael de Mesa bilang Enrique Pelaez, Gabby Eigenmann bilang Father Phillip Madasalin, Nova Villa bilang Adela Rodrigo, Keempee de Leon bilang Jimmy Rodrigo, Tessie Tomas bilang Merida Almario, at Al Tantay bilang Pedring Servando.

Kasama rin sina Maricar de Mesa bilang Ursula Salazar, Cris Villanueva bilang Eric Almario, Frank Magalona bilang Hans Peligro, Betong Sumaya bilang Sebastian Poblador, Eunice Lagusad bilang Melody, Miggy Jimenez bilang Mickey Abueva, Cai Cortez bilang Fiona Alegre, Sabrina Man bilang Wendy Salazar, Mariel Pamintuan bilang Athena Pelaez, at si Mylene Dizon bilang Giselle Pelaez Almario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN