Dr. Manny Calayan reveals he was first to know about Solenn Heussaff-Nico Bolzico engagement

Dr. Manny Calayan recounts how he first found about Solenn Heussaff’s engagement to Nico Bolzico: “Kasi parati siyang nasa clinic. Sabi niya, ‘Doc, kailangan seksi ako, kasi soon-to-be bride na ako!’ Sabi ko, ‘What?!’ Nagulat ako. Pero nakikita ko naman sa Instagram yun pero hindi ko alam na totoo na pala yun.”


Pangalawang branch na ng Calayan Surgicentre ang binuksan kamakailan sa Timog Ave. sa Quezon City.

“Pangalawa talaga ito, lumipat kami from another Timog branch, di ba, wala na yung dati. Office na yun. Corporate office na siya.

“And then iyon, mag-o-open pa kami sa Cebu, sa Alabang, sa Pampanga, sa Baguio, sa Davao.

“Sa abroad, iyon pa rin yung sa US. Isusunod namin, baka sa Canada,” kuwento ni Dr. Manny Calayan, may-ari ng nasabing cosmetic surgery clinic.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Manny noong December 15, sa opening o paglipat ng naturang branch ng kanyang klinika sa SCT Building sa Timog Ave.

Sa pagbubukas ni Dr. Manny ng mas marami pang branches, paano na ang sinabi niya dati na ayaw niya ng maraming klinika para mas personal niyang maasikaso ang kanyang mga kliyente?

“Mas marami kasing demand, e," aniya.

“So hindi ko na kaya. Kumuha na ako ng group of doctors. 'Tapos kung sino ang may gusto sa akin, pupuntahan ko na lang,” lahad niya.

SOLENN HEUSSAFF. Si Solenn Heussaff ang pinakabagong nadagdag sa kanyang celebrity endorsers.

Hiningan namin ng reaksyon si Dr. Manny tungkol sa engagement ni Solenn at ng Argentinian boyfriend nitong si Nico Bolzico.

Biniro namin si Dr. Manny na kung si Marian Rivera ay Belo Bride, si Solenn ay Calayan Bride.

“Oo nga!

“Siyempre masayang-masaya ako. Actually, ako nga yung unang nakaalam.

“Kasi parati siyang nasa clinic. Sabi niya, ‘Doc, kailangan seksi ako kasi soon-to-be bride na ako!’

“Sabi ko, ‘What?!’

“Nagulat ako. Pero nakikita ko naman sa Instagram yun pero hindi ko alam na totoo na pala yun.

“Tapos sabi ko, ‘Okay naman kayo? Okay naman yung boyfriend mo, yung fiancé mo?’

“Sabi niya, ‘The best, doc!’

“Ibang klase daw. So iyon na yun,” kuwento niya.

Patuloy pa rin daw ang endorsement ni Solenn sa Calayan Surgicentre kahit mag-aasawa na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya apektado sa intrigang photoshopped ang mga sexy photos ni Solenn.

“Hindi! Kahit naman wala pa siya nun sa Calayan, sexy na siya.

“Sexy na talaga at saka siyempre lalo na nung pumunta sa atin, lalong sumeksi,” at tumawa si Dr. Calayan.

“E, kailangan naman niya kasi yun at siyempre may tulong ng diet,” detalye pa niya.

CRISTINE REYES. Kahit daw si Cristine Reyes, kapag nakapanganak na ito, ay endorser pa rin siya ng Calayan Surgicentre.

“Actually, si Cristine nga, nung nasa States ako, sinabi na niya sa akin 'yan. Tinext niya sa akin.

“Sabi niya, ‘Doc, may problema ako.’

“Naisip ko nga ano ako... si Dr. Love,” at muli itong tumawa.

Ano ang problema ni Cristine noong panahong iyon?

“Meron daw siyang non-showbiz [guy] na mahal na mahal niya.

“Tanong ko, ‘Bakit, mahal ka ba niya?’

"Sagot niya, ‘Oo doc, mahal naman ako.’

“Sabi ko, ‘Go for it!’”

Nang nabuntis si Cristine ay isa rin si Dr. Manny sa unang nakaalam.

“Tinawagan niya ako, sabi niya, ‘Doc, positive!’

“Sabi ko, ‘Anong positive?’

"Sabi niya, ‘Preggy ako!’

“Nagulat talaga ako.”

Wala naman daw clause o stipulation sa kontrata ng kanyang female endorsers na bawal magbuntis.

“Wala, wala, wala. Hindi ko naman hawak yung ano,” paglinaw ni Dr. Calayan.

Seksing katawan ang ineendorso sa kanya ni Cristine; paano ngayong buntis ito?

“O, e hindi bale.

“Challenge yun, pagkapanganak, lalo na.

“At least maibabalik mo siya sa dati niyang katawan,” pangako niya.

Ganun din daw ang gagawin niya kapag si Solenn naman ang nabuntis, ibabalik niya ang kaseksihan nito.

MALE ENDORSERS. Sa mga lalaki naman ay sina Ronnie Liang at Ejay Falcon ang ilan sa mga mga endorsers ni Dr. Calayan na dumalo sa opening ng bago niyang branch.

Ikinalungkot naman daw niya noong una niyang nalamang nagkasakit ang isa pa niyang endorser na si Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon sinabi naman niya na cyst lang yun so, alam ko naman kung ano yun, parang wala lang, parang aalisin mo lang naman yun,” saad niya.

Nitong nakaraang Pasko ay pinuntahan ni Dr. Manny ang misis niyang si Dra. Pie at ang kanilang mga anak sa Amerika para sama-sama silang buong pamilya.

Umalis siya noong December 23 at doon na rin sila nagdiwang ng Bagong Taon.

CHARICE PEMPENGCO. Kinumusta naman namin ang plano niyang pagkuha kay Charice as endorser?

“Wala e, busy e.”

Hindi raw totoong hindi niya itinuloy ang pagkuha kay Charice dahil apektado siya sa mga isyu tungkol kay Charice at sa pagiging isang lesbian nito.

“Hindi! Wala naman akong ano doon.

“Hindi naman ako naaapektuhan sa mga ganun.”

REJECTED” LIST. Tinanong naman namin siya kung may artista na bang lumapit sa kanya para kunin ang kanyang serbisyo pero tinanggihan niya.

“Meron, marami.”

Bakit niya tinanggihan?

“Kumbaga mahihirapan ako,” at tumawa siya.

Ayaw magbigay ni Dr. Calayan ng mga pangalan ng mga artistang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN