Watch Now

Neri Colmenares grateful to aunt Angel Locsin's support in his senatorial bid

Mar 10, 2016
<p>Senatorial candidate and Bayan Muna Representative Neri Colmenares expressed his gratitude to his aunt Angel Locsin for supporting him in his campaign for the 2016 elections.</p>

Isa ang Bayan Muna representive na si Neri Colmenares sa mga tumatakbo para sa pagka-senador ngayong 2016 elections.

LOOK: Grace Poe, Chiz Escudero announce senatorial bets under 'Team Galing at Puso'

Si Colmenares ay kabilang sa senatorial lineup ng ticket ng tambalang Grace Poe-Chiz Escudero.

Kumpara sa mga kalaban niya sa pagka-senador, aminado si Colmenares na limitado ang financial resources niya.

Kaya madalas ay sumasabay na lang siya sa mga kampanya ni Grace Poe sa iba’t ibang lugar.

Pahayag niya, “Given naman ‘yan, yung resources, ang hirap talaga.

“Kasi, dahil wala kang resources, hirap ka dun sa campaign itself.

“Second, may anak kasi akong ten years old.

“I want to be with him often sana, kaso mahirap kasi pagod ka na.”

Nangako naman daw ang tiyahin niya na si Angel Locsin na sasama sa ilang kampanya niya. Pero ayaw rin naman niyang mag-impose rito.

“Alam niyo, income yung kanya. Kung may major project siya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Anyway, okey na sa akin yung mag-commit siya ng tulong sa ads, mas mayaman naman siya sa akin!” biro ni Colmenares.

Dagdag niya, “Actually, yun ang hirap kapag wala kang pera, kasi you really have to go around din.

“I mean, kung bilyonaryo lang ako, uupo lang ako and advertise lang din.”

Read: Angel Locsin supports Bayan Muna Represenative Neri Colmenares for senator

Dahil susuportahan siya ni Angel, may mga nababanggit ba ito sa kanyang concerns na nais sana nitong pagtuunan ng pansin kapag nanalo siya?

Sagot ni Colmenares, “Wala naman, wala naman siyang sinasabi. 

“Kapag nag-uusap naman kami niyan, ang sinasabi niya, yung advocacies ko in general.

“Sabi niya, yung sa magsasaka, sa SSS, lalo na ang father niya, SSS pensioner rin ‘yan.

“So, in general din siya. Ang ano lang niya sa akin, sa movie industry, sana mas maraming reforms na gawin.

“Pero nothing in particular, mas general siya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Angel, nagpahayag na rin daw ng suporta sa kanya sina Robin Padilla at Eddie Garcia.

Ano ang reaksiyon niya sa mga ganitong suportang natatanggap niya?

“Well, si Eddie naman, nagkita kami sa Congress.

“Nag-usap kami, nabanggit niya na, 'You’re good, you’re good. You deserve...'

“Pero, I’d like to talk to him muna.

“Ayaw ko kasi na... siyempre, mas magandang makausap ko muna. 

“Nag-text pa lang muna ako, pero wala pa naman siyang reply.”

Si Robin, sigurado na ang pagsuporta sa kanya?

“Si Robin, kasi in-explain ko ang position ko sa BBL [Bangsamoro Basic Law]. Kasi, I voted no to BBL.”

PENSION AND AGRARIAN REFORM. Sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ginanap na Pandesal Forum, sa Kamuning Bakery, noong February 25, nabanggit ni Colmenares na ang tungkol sa pension at agrarian reform ang ilan sa mga nangunguna sa kanyang plataporma.

“Well, sa economics, ang platform ko, yung genuine agrarian reform and industrialization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung sa bills, dalawa ang main bills ko.

“Una, yung pension reform. Mababa ang pension, dapat may reforms.

“Ang pangalawa, taxation reform. Mataas ang taxation, dapat may reform.

“Sa pension reform, bukod sa SSS, may bills ako for barangay official na may P50,000 for every year of service--mula sa kapitan, kagawad, treasurer, secretary.

“Pangatlo, yung non-SSS, GSIS, senior citizens, dapat may pension sila.

“Ngayon, P500, kulang yun. Sa taxation reform, we are overtaxed and underserved.

“So, dapat may adjustment na sa taxation.”

May malasakit din daw ang Bayan Representative pagdating sa industriya ng showbiz.

Nagtataka nga raw siya kung bakit dati, maraming pelikula ang napu-prodyus, pero ngayon, mas konti na.

“Dati halos 20 movies ang napu-produce per month, pero ngayon nasa 11 na lang.

“Ano ang dahilan na? Pero tumaas pa raw yung 11, which is good.

“Kaya lang, grabe kasi ang support dun sa other countries, Korea, Taiwan... ano ang problema natin dito? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for me, balik ako doon sa major platform ko na ibuhos ang capital at suporta sa local na industriya and that includes the entertainment industry. Not only the economic, but the cultural aspect.

“Nabanggit ko rin ang inspirational aspect kasi anong klaseng youth ang ipu-produce natin? 

“Ako, kahit sabihin nilang hindi naman maganda ang films ng mga Filipino, marami akong natutunan noong nanonood ako ng Filipino films.

“Puwede naman tayong mag-ASEAN integration, pero palakasin muna ang local.

“Sa akin, ang subsidies ng government is a must.”

Read Next
Read More Stories About
2016 elections
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Senatorial candidate and Bayan Muna Representative Neri Colmenares expressed his gratitude to his aunt Angel Locsin for supporting him in his campaign for the 2016 elections.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results