Nadine Lustre thankful for blessings in 2014: “Parang nasabi ko nga, ‘Lord, totoo po ba lahat ng ito?’

Nadine Lustre was ready to leave showbiz until Diary Ng Panget catapulted her and loveteam partner James Reid to stardom. She recalls: “Nasabi ko na nga po noon na handa na akong iwan na ang showbiz kung wala pang mangyari. Handa na po akong pasukin ang ibang career."


Hindi raw malilimutan ng Viva young actress na si Nadine Lustre ang 2014.

Ang naturang taon ang siyang nagbigay ng suwerte sa kanyang career at pati na rin sa career ng kanyang ka-loveteam na si James Reid.

Kabilang sa top-grossing films ng nakaraang taon ang dalawang pelikulang pinagbidahan nila na Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead. Parehong best-selling books ito ng Wattpad at produced ito ng kanilang home studio na Viva Films.

Inamin ni Nadine noon na isang “make or break” para sa kanya ang pagganap bilang si Eya sa Diary Ng Panget. Kung ano raw ang mangyari pagkatapos ng pelikulang iyon, iyon na raw ang magiging kapalaran niya sa showbiz.

Nagkataon naman na naging phenomenal blockbuster ito at nasundan agad ng Talk Back and You’re Dead na kumita rin sa takilya.

Dahil sumikat ang loveteam nila ni James na JaDine, pinapirma sila ng exclusive contract sa ABS-CBN at agad-agad silang pinagbida sa Wansapanataym episode na “My App #Boyfie.”

Nagkaroon din sila ng sariling TV show sa Viva Channel na #Jadine kunsaan pinapakita sa kanilang mga fans ang kanilang mga ginagawa tulad ng taping, shooting at mga mall shows.

THANKFUL FOR SECOND CHANCE. Sa isang interview kay Nadine sa #Jadine noong January 2, hindi nga ito makapaniwala na nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa kanyang career.

Muntik na raw siyang maghanap ng ibang career kung hindi nga pumatok ang Diary Ng Panget.

“Nakakatuwa po at sobra kaming na-bless ni James dahil sa magandang turnout ng Diary Ng Panget.

“Iyon po ang nagbigay ulit sa akin ng pag-asa na ituloy ko pa ang showbiz.

“Nasabi ko na nga po noon na handa na akong iwan na ang showbiz kung wala pang mangyari. Handa na po akong pasukin ang ibang career.

“Siguro mas mag-concentrate na lang ako sa music. After all, singer naman po ako noong nagsimula ako. Member ako ng Popgirls at nag-enjoy naman ako sa ginagawa namin noon,” kuwento pa ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dahil pumatok ang team-up nila ni James, ngayon ay sunud-sunod na blessings ang dumating kay Nadine tulad ng bagong pelikula, TV show, at endorsements.

“Ang bilis nga po ng mga pangyayari. Parang nasabi ko nga, ‘Lord, totoo ba lahat ng ito?’

“Malaking bagay yung natanggap ng fans ang JaDine loveteam. Nagulat din kami ni James na meron na pala kaming fans club.

“'Tapos very active pa sila on social media kaya po lalong lumawak ang fan base namin.

“Kaya malaki ang utang na loob namin sa mga fans. Kasi sila yung mga readers ng Wattpad. Sila yung mga nag-abang sa mga pelikula namin ni James at hanggang ngayon ay nandiyan pa rin sila at sinusuportahan kami.

“Tulad po ngayon, may bago kaming movie ni James na ginagawa, inaabangan na po nila ito.”

NEW MOVIE. Nagsimula na nga ang shooting ni Nadine at James ng pelikulang Para Sa Hopeless Romantic na istorya ni Marcelo Santos III.

Gagampanan nila Nadine at James ang papel na Rebecca at Nikko. Kasama rin sa pelikula sina Julia Barretto at Iñigo Pascual bilang Maria and Ryan.

Nasa cast din sina Shy Carlos at AJ Muhlach bilang Jackie and RJ.

Mula ito sa direksyon ni Andoy Ranay at ang screenplay ay gawa ni Mel Mendoza-del Rosario.

Produced ito ng Viva Films at Skylight Films.

“Very different po kami ni James sa movie na ito. Inuna po i-shoot ang mga flashback scenes namin. Kaya mapapanood nila kami ni James na iba ang buhok namin, pati mga damit namin throwback na throwback.

“It’s a story about destiny.

“Yung love na matagal mo nang hinahanap, yung love na nawala at umaasa kang babalik pa, yung love na kinakatakutan mong mangyayari, yung love na sana ay hindi na nangyari at ang love na inaasahan mong magkaroon ng happy ending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba’t ibang kuwento ito ng love kaya makaka-relate ulit ang mga fans namin sa story ng Para Sa Hopeless Romantic,” pagtatapos pa ni Nadine Lustre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN