James Reid on going shirtless in his movies: “It’s not that I’m an exhibitionist. It’s just part of my job.”

James Reid narrates how he started taking his shirt off in his movies: “Really at first, I was nahihiya. Hindi pa ako confident masyado. I first went shirtless in Diary Ng Panget. I felt that my body wasn’t that good yet. But I gathered enough confidence to obey my director and I ended up taking off my shirt like, five times.”


“It was an unbelievably great year and I will never forget 2014 for being so good to me and my career.”

Ito ang mga salitang binitiwan ng Viva young actor na si James Reid tungkol sa nagdaang taon.

Sa isang interview sa Fil-Australian actor sa show nila ni Nadine Lustre na #Jadine sa Viva Channel noong January 2, masaya nitong binalikan ang 2014.

Ito ang taon na sumikat ang loveteam ni James at Nadine nang pumatok ang mga pelikula nilang Diary Ng Panget at Talk Back And You’re Dead.

“Both me and Nadine, we weren’t expecting anything big that will happen when we did Diary Ng Panget.

“I was given a chance to be a lead actor in a movie and Nadine was my leading lady. Pareho kaming bida and it was pretty scary that time.

“We both didn’t know what would happen after the movie was shown. Iniisip namin kung magustuhan ba ito ng maraming tao?

“What we didn’t know was that we already had a fans club all because of the book. They were the readers of Diary Ng Panget and they were waiting for it to become a movie.

“They instantly became our fans. Nagkaroon ng JaDine loveteam and that was the start," ang sabi ni James.

“Before we knew it, sikat na pala kami ni Nadine. We were both clueless about it until we learned that the movie turned out to be a big hit.

“When the second movie came out and kumita rin ‘yon, that’s when we realized na talagang sikat na pala ang JaDine.

“We had fans all over social media and that was pretty awesome.

“Things turned out to be more than what I expected it to be. And I am thankful for everything that happened in 2014.”

GOING SHIRTLESS. Bigla ngang naging household name si James Reid at naging pantasya ng maraming girls and gays, hindi lang dahil sa kanyang talento sa pag-awit at pag-arte, kundi dahil din sa ganda ng kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang beses ngang nakitang shirtless si James sa cover ng mga glossy magazines. Napasama pa nga siya sa Top 10 Cosmo Bachelors ng Cosmopolitan Magazine.

Inamin ni James na nahihiya siyang ilantad ang kanyang katawan tuwing pinaghuhubad siya.

Noong manalo raw kasi siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010 ay sobrang payat pa niya. Pero dahil pinaghirapan daw niya ang pagpapaganda ng katawan, unti-unting nawala ang pagiging mahiyain niya at in-enjoy na niya ang madalas na pagiging shirtless niya.

“That’s why I am always physically prepared. Who knows when someone will ask me to take off my shirt!” tawa pa niya.

“Really at first, I was nahihiya. Hindi pa ako confident masyado.

“I first went shirtless in Diary Ng Panget. I felt that my body wasn’t that good yet. But I gathered enough confidence to obey my director and I ended up taking off my shirt like, five times.

“In the second movie, mas maraming beses akong naging shirtless. Kasi mas may confidence na ako.

“It’s not that I’m an exhibitionist. It’s just part of my job. Trabaho lang po,” sabay tawa niya.

ENDORSEMENTS. Isa na rin sa in-demand na celebrity endorser si James. Sa huling bilang ay nakaka-11 product endorsements na siya simula noong pumatok ang Diary Ng Panget.

Ikinatuwa rin ni James ang pag-revive ng kanyang singing career. Muling bumenta ang kanyang self-titled album na James Reid mula sa Viva Records, pati na rin ang hit singles niyang “Natataranta,” “No Erase” at “Bahala Na.”

NEW MOVIE. Ginagawa na ni James at Nadine ang bago nilang pelikula, Para Sa Hopeless Romantic, mula sa direksyon ni Andoy Ranay at produced ng Viva Films at Skylight Films.

Base ito sa libro na sinulat ni Marcelo Santos III. Gagampanan ni Nadine ang papel ni Rebecca at si James, ang papel ni Nikko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para Sa Hopeless Romantic is about five different characters who have experienced the ups and downs of relationships, yet remain hopeful to find love.

“A person who hopes for his beloved to come back, a person hoping and waiting for his destined one to come, a person scared of falling in love again, a person who tries hard to forget his old flame, and a person who hopes for a happy ending for his love story,” kuwento pa ni James.

Makakasama ng JaDine loveteam sa naturang pelikula sina Julia Barretto, Iñigo Pascual, Shy Carlos at AJ Muhlach.

Gagawin din ni James ang Diary Ng Panget 2 at isa pang pelikula kasama si Alex Gonzaga at Luis Manzano. Ito ang Dear Alex, Break Na Kami... Paano?! Love, Catherine para sa Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN