Regine Velasquez: “I’m not pregnant although I really want to be.”

Nilinaw ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na hindi siya nagdadalantao ngayon, pero gusto na niya talagang masundan ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.


“FYI I'm not pregnant although I really want to be but not yet.”

Ito ang paglilinaw ni Regine Velasquez matapos akalain ng ilan sa kanyang followers na nagdadalantao siyang muli kasunod ng Instagram post niya noong Linggo, January 4, 2015.

Sa kanyang Instagram account noong Linggo, nag-post ang Asia's Songbird ng larawan ng isang pamilya at buntis na nanay.

Sabi ni Regine sa caption: “I want another one.”

Naka-tag din sa nasabing post ang kanyang mister na si Ogie Alcasid.

I want another one 😍 @ogiealcasid

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) onJan 1, 2015 at 5:39pm PST

Ngayong Lunes ng umaga, January 5, nag-post sa Twitter si Regine para linawing hindi siya nagdadalantao.

Sumagot naman sa kanyang post ang ilan niyang fans at sinabing na-excite lang sila sa kanilang nabasa.

Tatlong taong gulang na ngayon ang anak ni Regine kay Ogie na si Nathaniel James o Nate.

Si Ogie naman ay may dalawa pang anak sa former wife nitong si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN