Andi Eigenmann says mom Jaclyn Jose’s opinion about Bret Jackson does not matter

Andi Eigenmann wishes for more work this 2015: “Yun lang naman po ang gusto ko, mag-focus sa trabaho. Para rin sa daughter ko, kay Ellie, I just want this New Year to be all about her and me.”


Pinagtawanan lamang ni Andi Eigenmann ang hulang mag-ingat siya sa kanyang lovelife dahil posibleng may maging third party diumano sa relasyon nila ng Pinoy Big Brother alumnus na si Bret Jackson.

“It’s so funny! Wala pa ngang nangyayari sa relationship, may third party na,” sabi ni Andi sa live interview sa kanya ng The Buzz kahapon, January 4.

Pero ano nga ba ang estado ng relasyon nila ni Bret?

Ayon sa Kapamilya actress, “Well, I don’t know… I guess we enjoy each other’s company and we really… we hang out a lot.”

Sila na ba, officially?

“No,” sagot ni Andi.

Pero nanliligaw si Bret sa kanya?

“I guess,” tugon niya.


THE BEGINNING. Ano ang reaksiyon niya sa hulang magkakatuluyan sila ni Bret, pero magkakaroon daw ng third party?

Saad ni Andi, “I don’t know… nothing’s happening yet. It’s just the beginning.

“I just came out from a long and very complicated relationship.

“I would want to take things slow.”

Ano ang pinakaimportanteng aral na natutunan niya sa nakaraang relasyon nila ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito?

“Yun nga po, na huwag magmadali. Huwag masyadong agad, lahat-lahat.

“Kasi, hindi mo naman malalaman kung masasalo mo.”

Sa VTR interview kay Bret ay sinabi nitong gusto niyang maging bahagi ng panimulang taon ni Andi.

Reaksiyon ni Andi tungkol dito, “Well, to me, I think everybody knows na, yes, I am starting a new 2015.

“Siyempre, hindi lang pagdating ng bagong taon, siyempre bagong chapter din ng life ko.

“I lost two people who are really important to me.

“Now, I just want to make sure na magiging masaya na ako.”

Ang tinutukoy ni Andi ay ang pagkamatay ng ama niyang si Mark Gil at ang breakup nila ni Jake noong 2014.

Mas matatag siya ngayon?

“For sure, for sure,” pagsang-ayon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JACLYN JOSE. Sa hiwalay na panayam naman ng The Buzz sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose, naging tapat ito sa pagsasabing hindi niya gusto si Bret para sa anak.

Nagma-matter ba kay Andi ang opinyon na iyon ng kanyang ina?

Sagot niya, “As of now, it doesn’t, because parang…

“Puwede naman niyang sabihin what she wants, pero hindi pa rin naman niya nakikilala si Bret.

“I know how close my mom to my ex. So, maybe…”

Mahal ni Jaclyn si Jake Ejercito?

“Yes, she loves Jake,” pagkumpirma ni Andi.

Ngayong 2015, ano ang mga gusto niyang gawin o mangyari?

“More work… I mean, yun lang naman po ang gusto ko, mag-focus sa trabaho.

“Para rin sa daughter ko, kay Ellie, I just want this New Year to be all about her and me,” sabi ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN