Enrique Gil reveals attachment to Liza Soberano: "To be honest, oo, meron."

The popularity of Enrique Gil and Liza Soberano as a loveteam was the humdinger at the closing of 2014 and all indications show it will stick for much longer than expected.


Hindi raw inakala ni Enrique Gil noong una na tatangkilikin at mamahalin ng publiko ang loveteam nila ni Liza Soberano sa ABS-CBN primetime series na Forevermore.

Pahayag ng young actor sa panayam sa kanila ng The Buzz kahapon, January 4, “Hindi talaga... to be honest, hindi talaga.

"Noong nagsama kami, hindi kami close.

"Basta, anything was like… inilagay lang kami dun. Okey, let’s try it out.

"So, parang bigla. Parang may pagkabiglaan.

“Siyempre, we really didn’t know what to expect.

"Nagulat na lang kami, sobrang dami ng dumadalaw.

"Everywhere, natutuwa ang mga tao… unexpected talaga.”


FIRST IMPRESSION. Nagkatawanan naman sa nasambit ni Liza tungkol sa first impression niya kay Enrique.

Sabi ng Kapamilya young actress, “Playboy.”

Bakit niya nasabing playboy si Enrique?

Paliwanag ni Liza, “Kasi he seems to be the type of guy who knows how to play with girls.”

Natakot ba siya sa image o impression na iyon ng kapareha?

“Yes... at first!” natawang pag-amin niya.

Nagbago na ba ang impresiyon niya kay Enrique?

“Yes, he’s a very family-oriented person.

"He does everything for his mommy, his brother and his sister… he loves his daddy very much.”

Mahal din ba siya ni Enrique?

“As a friend siguro!” natawang sagot ni Liza.

Mahal na ba ni Enrique si Liza?

“Wow, on the spot!” sagot ni Enrique.

FEELERS. May feelings ba si Enrique sa ka-loveteam?

“To be honest, oo, meron,” pag-amin ng binata.

Nasabi na ba niya ito kay Liza? Nasaan ang relasyon nilang dalawa?

“Siguro, napi-feel niya…” sagot ni Enrique.

Napi-feel nga ba ni Liza ang nararamdaman ni Enrique?

“Yes po,” nakangiting pag-amin ng 17-year-old actress.

Paano ito napaparamdam ni Enrique?

“Mga simpleng bagay lang... pag-alalay,” sagot ng 22-year-old actor.

Paano naman niya nabibigyan ng assurance si Liza na hindi siya playboy?

Ayon kay Enrique, “Nakilala na niya ako. Kaya alam niya, so yun… hindi na siya takot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May prediction na aamin daw sina Enrique at Liza sa kanilang relasyon ngayong taon.

Biro naman ni Enrique, baka yung pag-amin daw niyang may nararamdaman siya rito na iyon.

Pero naniniwala ba siya sa predictions ng mga manghuhula?

Sabi ni Enrique, “Actually, I believe a lot doon sa mga predictions.

"Yung isang nag-predict doon, dating nag-guest ako sa Kris TV, nagkatotoo.

"Yung sinabi niyang may dilaw na kotse, may aksidente.

"Two weeks after, naaksidente yung dilaw ko na kotse, pero wala namang nangyari sa akin.

“Sabi ko, sabi nila two weeks ago, may nangyaring ganun, nangyari nga.”

BIRTHDAY PROMISE. Kahapon, January 4, ang 17th birthday ni Liza. May regalo ba sa kanya si Enrique?

Sabi ng young actress, “Opo, pero hindi ko po siya suot. Kanina, suot ko po.”

Si Enrique na ang nagsabi kung ano ang birthday gift niya kay Liza.

“Binigyan ko po siya ng necklace na may 'H' which means hope.”

Ano ba ang inaasahan ni Enrique?

“I just hope na hindi magbabago... kung ano yung meron kami right now.”

Ano nga ba ang meron sa kanila ni Liza ngayon?

“I really, really have a close friend right now.

"Yun ang promise ko sa kanya. Kahit ano, whatever happens in the future, best friend ko pa rin ito.”

Kahit na magka-boyfriend ng iba si Liza?

“Ay… e, iba na yun! Joke lang!

"Hindi na siguro best friend, friend na lang,” sabi ni Enrique.


RESTRICTION. Seventeen pa lang si Liza at hindi pa raw ito pinapayagang mag-boyfriend ng kanyang mga magulang.

Ilang taon pa siya puwedeng mag-boyfriend?

Natatawang sabi ng dalaga, “We’re still talking about it.

"Pero sabi po ni Tito Ogie [Diaz] at Mr. M [Johnny Manahan], 25 daw po!”

Sa isang Instagram post, sinabi ni Liza na "very special leading man" at "great friend" si Enrique. Ano ang ibig sabihin niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Special kasi he’s my actual first leading man.

"And a great friend because he’s a kind of person I can talk to about anything.

"In between takes, whenever I have a problem, I can talk to him about everything.”

Ano ang wish ni Enrique kay Liza?

Saad ng young actor, “I wish na whatever is going for her, for you, sana hindi magbago.

"You deserve everything and sana, gusto ko palagi kang masaya.

"Alam ko naman na palagi kang masaya, so keep it always."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN