President Noynoy Aquino wants to settle down with a younger woman

Dati daw ay pangarap ni Pangulong Noynoy Aquino na makapag-asawa sa edad na 24. Pero hindi ito natupad kaya itinaas niya ito sa edad na 30. Pero ngayong 54 na siya, hindi naman daw siya nagmamadaling makahanap ng magiging kabiyak, pero sana daw ay mas bata sa kanya.


Naging espesyal na panauhin si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa New Year episode ng talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice, na umere kagabi, January 4, 2015.

Isa sa mga naging paksa sa kanilang mahabang usapan ay ang mga naging kasintahan at mga naiugnay na mga babae sa Pangulo ng bansa.

Tanong ni Vice: “Kailan kayo huling nagka-girlfriend?”

Mabilis namang sagot ni PNoy: “Several months ago.”

Hindi na pinag-usapan kung sino ang naturang babae, pero ang huling maugong na naugnay sa pangalan ng Pangulo ay sina Grace Lee at Liz Uy.

Nauna nang naging karelasyon ni PNoy ang TV personalities na sina Bernadette Sembrano, Shalani Soledad, at Korina Sanchez.

Sa pag-usisa ni Vice, sinabi ni PNoy na "single" ang kanyang kasalukuyang relationship status.

Susog pa ni Vice, “Minsan nakaka-inspire rin po o nakakagana magtrabaho lalo nang mahusay 'pag may girlfriend.

"Dati po, sabi niyo, ang ano po ninyo, 24 [years old], kailangan po may asawa na kayo, 'tapos nabago po, naging 42. Ngayon po, ano na po ang target niyo?”

Tugon ni Pangulong Aquino, “Twenty-four 'tapos 30.

"E, ilang taon na lang, papunta na ako sa 2 times 30, kaya ayoko nang nagta-target, e.

"Siyempre gusto ko naman yung attainable goal.”

Limampu’t apat na taong gulang na ngayon si PNoy.

Kung may pag-asa naman daw na makapag-asawa siya ay mas gusto niya yung nakababata sa kanya.

Paliwanag niya, “E, yung mas bata naman sana kung pupuwede para mayroon pang pag-asang magkaanak.”

DESIRE FOR MEDIA PERSONALITIES. May nililigawan ba siya sa kasalukuyan?

Giit ni PNoy, “Importante dun, may itinatago tayong konti, itatago ko muna sa sarili ko yun.”

Dugtong na tanong naman ni Vice, “Nagkaroon nga po kayo ng relasyon, 'tapos sabi niyo, kakatapos lang, 'tapos 'di namin nalaman, ang galing niyo ho magtago.

“Pero may dalawa pong na-link sa inyo na hindi naitago sa amin. Na-link po sa inyo yung mga pangalang Bernadette Sembrano, Korina Sanchez—mahilig po kayo sa babaeng nasa media, ganun?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni PNoy, “Nagkakataon lang siguro.”

FAST TALK WITH PNOY. Sa segment na Fast Talk, may ipinakita si Vice na mga larawan kay Pangulong Aquino na may kaugnayan sa kanyang katungkulan at pagiging tao.

Narito ang mga sagot ni PNoy...

DILG Secretary Mar Roxas — “Masipag at thorough.”

BIR Commissioner Kim Henares — “Maraming natatakot.”

DSWD Secretary Dinky Soliman — “Maaasahan. Kung may parating na sakuna, nandun siya.”

Rep. Leny Robredo — “Parang nakikita mo yung kay Jesse, tuloy yung ginagawa ni Jesse.”

PNP Chief Alan Purisima — “Dalawa actually... hindi yung 'pag may imahe tayong negatibo sa kapulisan, hindi yun ang nakilala sa pagkatao nitong si Alan.

"Number two, ang dami niyang hinuhuli… na wala sa sinasabi ko.

"Marami siyang kabarong humaharap ng sakuna at nakulong dahil mali ang ginawa.”

DOJ Secretary Leila de Lima — “Sa hitsura pa lang, seryoso."

Senator Miriam Defensor-Santiago — “Combative.”

Vice President Jejomar Binay — “Siya kasama ko nung EDSA Revolution e."

Liz Uy — “Successful."

Sundot na tanong ni Vice: “Kayo po ba, successful po ba kayo sa kanya?”

Sagot ni PNoy: “Sa pagkakaibigan, oo!”

Grace Lee — “Successful rin yata.”

Vice: “Naging girlfriend niyo po ba siya?”

PNoy: “Oo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN