Jake Cuenca on efforts to reconcile with Chanel Olive Thomas: “We tried, pero hindi nag-work out."

"Kung anuman ang naging reason ng breakup namin, I want to keep it personal," Jake Cuenca explains as he affirms, "She’s a very special to me, ’di naman magbabago yun, e."


Pagkatapos kumpirmahin ni Jake Cuenca na hiwalay na sila ng foreigner model/girlfriend na si Chanel Olive Thomas, nabalitang muling nagkabalikan ang dalawa nang magkasama silang dumating sa 5th Indie Bravo Awards ng Philippine Daily Inquirer noong December 11, 2014.

Read: Jake Cuenca reconciles with Chanel Olive Thomas

Pero sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake noong Linggo, January 4, sa ASAP XX, ibinalita niyang tuluyan nang nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.



“Yun na nga sinabi ko na single ako uli… we tried to fix things up.

"Pero it’s a good breakup, we’re still friends, so okay naman.

“We tried, pero hindi nag-work out.

"Sa akin naman, ayokong mawala yung friendship naming dalawa.

"Obviously marami siyang kailangang gawin, marami rin akong kailangang gawin.

"So, napagdesisyunan namin na okay na maging magkaibigan kami."


PERSONAL REASON. Nang tanungin ng PEP kung ano ang tunay na rason ng breakup nila ni Chanel, umiwas si Jake na sagutin ito.

Aniya, “I think, kung anumang reason na yun, sa amin na yun.

"Yun naman ang naging okay sa relationship namin, parang naging very personal.

"Kung anuman ang naging reason ng breakup namin, I want to keep it personal.

"Ang importante, we’re friends, we’re not fighting, and we’re really good friends.”

Tuloy pa rin daw ang komunikasyon nila at at hindi naman daw siya nagsasara sa mga posibilidad.

“Yeah, pag may oras nag-uusap kami... 'di naman every day.

“We'll never know, but for now, parang the best for us is to be single and to reach our goals and priorities."

Mahal pa ba niya si Chanel?

Sagot ni Jake, “Of course naman special siya sa akin.

"Pero siguro ngayon, kaya kong sabihin na mahal ko siya bilang kaibigan.

"She’s very special to me, hindi naman magbabago yun, e.

"Pero for now, marami lang talaga kaming kailangang gawin, better we both go separate ways muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN