Charice on marrying girlfriend Alyssa Quijano: "We will definitely get there."

Charice on possibility of marrying girlfriend Alyssa Quijano: "Nandoon pa kami sa stage na marami pa kaming dapat na i-accomplish in life. I want her to finish her studies. Gusto ko, kapag ikinasal kami, alam kong stable na yung mga kailangan namin. Tapos na yung responsibilities… Well, hindi matatapos ang responsibilities namin sa family namin, pero kapag dumating na yung point na kami naman…"


Nakaka-relate daw nang husto si Charice Pempengco at ang girlfriend nitong si Alyssa Quijano habang pinapanood nila ang short video na ginawa ni Joyce Bernal para kina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong reception ng kasal ng dalawa, sa MOA Arena, noong December 30.

Si Direk Joyce ay isa sa mga ninang sa kasal nina Dingdong at Marian.

Sabi ni Charice sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa reception, “Very happy kami na nahanap nila ang true love nila.

“Kasi, napakasarap sa feeling kapag nahanap nila ang ‘the one.’ Kasi, sobrang nakaka-relate.

“Noong pinapanood namin ang video nila, masarap talaga sa feeling when you find your true love.

“Alam mo yung kahit na ano ang pinagdaanan nila before.

“Sabi ko nga, napaka-honest talaga ni Ate Marian, grabe!

“Nag-reveal talaga sila ng mga sensitive part ng relationship nila.

“You know, that’s why masasabi mo talaga na sila na, sila na talaga.”

Dugtong pa ni Charice, na katabi si Alyssa habang kausap ng PEP, “Sobrang nakaka-inspire, sobra!”

WEDDING FOR CHARICE & ALYSSA? Pero natawa si Charice dahil inaasahan na raw niya na ang susunod naming ibabatong tanong ay kung posible rin silang magpakasal ng girlfriend.

“Sabi ko na, ‘yan ang susunod na tanong!

“Seryoso naman, lalo na kapag uma-attend ng wedding, hindi mo maiiwasan.

“Kami nga kanina, ang ganda ng wedding! Ang ganda ng upuan!

“We talked about it. We talk about it all the time.

“Feeling ko nga, mas excited pa ang parents namin kesa sa amin.

“Pero ‘tulad nga ng sabi ko, nandoon pa kami sa stage na marami pa kaming dapat na i-accomplish in life.

“I want her to finish her studies.

“Gusto ko, kapag ikinasal kami, alam kong stable na yung mga kailangan namin. Tapos na yung responsibilities…

“Well, hindi matatapos ang responsibilities namin sa family namin, pero kapag dumating na yung point na kami naman…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayokong magsalita nang tapos.

“When you feel it, you feel it.

“Like yung nangyari sa kanila [Marian and Dingdong], they felt it, yun na.

“So, when we feel it, we’ll never know... baka bukas, yun na.”

Tinanong ng PEP si Charice kung nakikita niyang hahantong sa pagpapakasal ang relasyon nila ni Alyssa.

Tugong niya, “Sa akin kasi, I can totally say na 100 percent sure.

“Kahit na wala pa kaming mga papers, papers, we both see each other.

“Parang nandun na kami. Parang clear na talaga.

“Kumbaga, ganito na lang ang kulang, kumpleto na kami.”

AIZA-LIZA WEDDING. Dahil sa ginawang pagpapakasal nina Aiza Seguerra at Liza Diño, tila maraming same-sex couples ang nagkakaroon ng lakas ng loob na sumunod sa mga ito.

May inggit ba silang naramdaman sa pagpapakasal nina Aiza at Liza?

Sagot ni Charice, “Inggit? Siguro na-inspire kasi kasal na sila.

“At the same time, yun ang nagiging inspiration namin.

“Nakaka-inspire kasi parang lahat tamang ano na… parang lahat settled na sila.

“Si Aiza, parang instant, meron na siya agad daughter, ‘di ba?

“Parang ang sarap sa feeling. Every time we see them, happy family.

“Kasal na sila. Sa U.S. pa nila ginawa, may ceremony pa sila.”

Dagdag ng international singer, “We will get there. We will definitely get there.

“Ayoko lang magsalita nang tapos dahil ako yung tao na sabi ko sa kanya, kapag na-feel ko kasi napi-feel din niya.

“Yun ang maganda sa aming dalawa, we’re compatible, e.

“Kapag napi-feel ko, napi-feel din niya at gagawin namin yun.”

WORK IN 2015. Ngayong 2015, ang focus daw ni Charice ay trabaho talaga.

Saad niya, “Trabaho talaga. Trabaho, trabaho.

“Actually, middle of January, aalis po ako. Magpupunta po ako sa U.S. kasi nominated po ako sa four awards sa States.

“Actually, nominated yung ‘Yakap,’ it’s a Tagalog song for Best International Song.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mga kalaban natin, whole world talaga. They invited me to fly there and to perform.”

Maituturing daw ni Charice na “good year” ang taong 2014 sa kanya.

Aniya, “Nangyari yung world tour ko, nagkaayos kami ng family ko, family niya.

“Natupad na yung pangarap naming dalawa para sa mommy niya, nakapunta na siya ng States.

“So, parang ang sarap sa feeling.

“It is definitely a good year.

“2013 was a challenge, e. Lahat parang ganun.

“2014, naayos na lahat.

“So, 2015 sana, smooth na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN