Arci Muñoz almost quit showbiz; thankful for another chance in ABS-CBN

Hindi na lang daw pinapansin ni Arci Muñoz ang batikos na sa kabila ng nalibot na niya ang tatlong malalaking networks sa bansa—GMA, TV5, at ABS-CBN—ay hindi pa rin siya sumisikat. Sabi niya, “Ano lang, added experience ko na lang. Hindi ko naman hinahangad nang sumikat, magkaroon lang ng trabaho at ma-appreciate yung kakayahan ko.”


Handa na si Arci Muñoz sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Magiging bahagi siya ng teleseryeng Pasion de Amor, kasama sina Ellen Adarna, Coleen Garcia, Ejay Falcon, Joseph Marco, at Jake Cuenca. Si Eric Quizon ang direktor nito.

Bago natapos ang 2014 ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2014.

Nagsimula sa showbiz si Arci nang sumali siya sa reality-based artista search ng GMA Network na StraStruck 2 noong 2005.

Noong 2010 ay lumipat siya sa bakuran ng TV5 at noong 2014 nga ay pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Paano siya napunta sa Kapamilya network?

Saad ni Arci, “Naku, mahaba… akala ko nga wala na.

“Feeling ko, may iba na akong gagawin sa buhay ko.

“’Tapos nag-sign ako sa Viva, pero hindi ako naging masyadong active sa kanila, kasi nga Tita Annabelle [Rama] ako,” pagtukoy niya sa kanyang manager.

Patuloy niya, “’Tapos pinag-audition nila ako for a different show, pero hindi ako nakuha. That’s Two Wives.

“’Tapos ipinatawag nila ako uli for another audition naman, for Pasion de Amor.

“So, hindi talaga naging madali rin yung pinagdaanan ko. Para akong nagsisimula uli.

“Mahirap, pero masaya, fulfilling. Kasi, at least, pinaghirapan.”

Ano na ngayon ang estado ng management team niya?

Paliwanag ni Arci, “I’m still with Viva and co-managed pa rin po ni Tita Annabelle.

“Pero next year mag-i-end na yung contract ko with Tita.

“I don’t know yet… pero Viva pa rin naman ako.”

FRUSTRATED WITH HER CAREER. Hindi itinanggi ni Arci na na-frustrate siya sa naging takbo ng kanyang career.

“May time pa na sabi ko maybe it’s not for me.

“I’m gonna change path na pupuntahan ko. Maybe change of career for me.

“Pero nung nabigyan ako ng chance, sabi ko ang bait-bait ni Lord.

“Kasi ang tagal-tagal kong nag-prepare [for Pasion de Amor].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ini-expect na makukuha ako kasi ang dami naming nag-audition. Sino ba naman ako?”

Kailan niya naramdaman ang frustration sa kanyang career?

Tugon ni Arci, “Nung nag-end yung contract ko with TV5 nitong year [2014].

“Since then, wala na. So, anong gagawin ko?

“Though, may band ako. That’s keeping me busy during those times na wala akong ginagawa as an actress, nasa band ako.

“’Tapos nagpi-paint ako. Ang dami rin akong pinagkaka-busy-han.”

Inisip niya bang mag-quit na lang sa acting?

“Parang gusto kong maging designer, mag-paint na lang. I-pursue na lang yung banda ko.

“Kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Sinong lalapitan ko? Paano ako magpapatuloy? Though I really love acting.

“Sabi ko, siyempre habang bata ako, gusto ko ma-push lahat. Gusto ko ma-reach yung goal ko.

“I’m not getting any younger, twenty-five na ako.”

Hindi na raw tinitingnan ni Arci ang isyung tatlong TV stations—GMA, TV5, at ABS-CBN—ang nagbigay sa kanya ng chance pero hindi pa rin siya sumisikat.

Aniya, “Ano lang, added experience ko na lang.

“Hindi ko naman hinahangad nang sumikat, magkaroon lang ng trabaho at ma-appreciate yung kakayahan ko.”

MISS WORLD PHILIPPINES. Dapat sana ay sasali si Arci sa Miss World Philippines noong 2014 ngunit hindi siya natuloy. Pinull out kasi siya ng kanyang management team mula sa kumpetisyon.

Wala na siyang balak sumali uli sa beauty pageant?

Pahayag ni Arci, “Kasi after Miss World, parang nawalan ako ng hope nung na-pull out ako.

“Nakakatakot na rin kasi kung sasali pa ako.

“Actually, kinunsider [considered] ko na sumali uli sa Binibining Pilipinas.

“Nung wala akong ginagawa, inisip ko talaga ‘yan.

“Sabi ng mom ko, ‘Baka ito na yung time. Baka kailangang sumali ka na ng beauty pageant. Though hindi ka naman natuloy last time, baka ‘eto na. Kasi wala ka namang ginagawa.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano siya ka-excited para ngayong 2015?

Sabi ni Arci, “Sobra akong excited kasi bagong simula uli sa career ko. Okey lahat ng mga nangyayari sa akin.

“So, sana tuluy-tuloy until next year, ‘di ba?

“Eto’ng pinakamagandang regalong naibigay nila sa akin—yung matanggap ako sa show sa Pasion de Amor at binigyan ako ng ABS-CBN 2 ng chance.

“I’m really excited to work with Ellen, Coleen, Jake… kasi ang saya-saya na ng bonding namin.

“Bago pa lang kami, pero masaya na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN