Alex Gonzaga believes that her past relationship with Kean Cirpiano was not love

Alex Gonzaga ignores bashers of her Inday Bote remake. She says, “Okay lang kung sinasabi na ginagaya kasi, at the end of the day, hindi mo naman magagaya ang isang tao completely kasi iba-iba ang tao.”


Hindi pa man nagsisimulang ipalabas ang TV remake ng 1985 film na Inday Bote, na unang pinagbidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, tumatanggap na ng batikos at negatibong reaksiyon mula sa ibang netizens ang bida ritong si Alex Gonzaga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alex noong Linggo, January 5, sa ASAP XX, sinabi niyang hindi na bago para sa kanya ang isyung ganito.

“Yun din naman ang sinasabi nila dati na ginagaya ko ang ate [Toni Gonzaga], ‘di ba?

“Ngayon, wala nang nagsasabi nun sa akin.

“Okay lang kung sinasabi na ginagaya kasi, at the end of the day, hindi mo naman magagaya ang isang tao completely kasi iba-iba ang tao.”

Pinayuhan din daw siya ng Dreamscape management na huwag niyang panoorin ang original Inday Bote movie para hindi niya magaya ang arte ni Maricel doon.

Dagdag ni Alex, “Para daw yung sarili kong atake ang gawin ko.

“Kasi siyempre ang hirap naman nun, ang gagayahin mo Ms. Maricel Soriano! Sino ang makagagawa nun?”

Excited din daw si Alex dahil malapit mas malapit sa personalidad niya ang karakter ni Inday Bote.

“Yung kuwento niya, like yung dati kong ginawa sa TV5 na mas personality ko ngayon.

“Kasi comedy, pambata, may kaunting fantasy, so mas fun siya.

“Pero malalim din ang kuwento ng Inday Bote.

“Parang nawalay siya sa pamilya niya, akala niya yun ang pamilya niya all the time na inaapi siya.

“Marami siyang pinagdadaanan.”

KEAN CIPRIANO. Dalawa ang leading men ni Alex sa Inday Bote—sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

Wala raw problema sa actress-TV host na makatrabaho muli si Kean, na minsan ding naugnay sa kanya.

Sa isang panayam ni Kean sa The Buzz, sinabi nitong hindi siya nagsasara ng pinto sa posiblidad na maaring madugtungan ang naunsyami nilang espesyal na relasyon ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto rin daw ng singer-actor na magsimula silang muli na malinis at walang mga isyu gaya ng nangyari sa kanila dati.

Ano ang reaksiyon dito ni Alex?

Sagot niya, “Magiging malinis ang panimula namin as magkaibigan.

“Ayokong magsalita ng tapos, pero dapat hanggang dun lang.

“Kasi hindi man kami napunta dun sa serious na relasyon, hindi rin naman maganda yung feeling namin, e, baka ganun ang papunta namin, hindi rin naman kami naging maayos.

“Kasi kung kami talaga, dapat naging maayos na ‘yan noon pa.

“Hindi naman natuloy, so baka hindi talaga meant, huwag nang i-push, huwag nang ipilit.

“Feeling ko, yung sa amin naman kasi ni Kean, hindi naman yun love.

“Kasi kung love yun, dapat bumubog at malalim, pero hindi naman, e.

“Hindi naman din siya nakasama sa libro ko, so mas okay yung feeling ko.

“Talaga kami ni Kean, mas okay na magkaibigan.

“Feeling ko noon, okay kami nito, may chemistry kami, kasi nga gets ni Kean ang ugali ko.

“Pero, ‘di ba, ganun naman talaga ang magkakaibigan?

“So, yun ang mas okay na kaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN