Alex Gonzaga considers 2014 one of the best years of her life

Alex Gonzaga: "2014 is very unforgettable, not just for my career but also in my personal life. Parang feeling ko, nag-grow ako sa lahat ng aspeto ng buhay—spirituality, emotional… Sa lahat, nag-grow talaga ako."


Masaya at kuntento si Alex Gonzaga sa takbo ng kanyang career mula nang bumalik siya sa ABS-CBN noong 2013.

Sabi niya, “Yung contentment kasi, hinihiling mo ‘yan.

“Ako, hinihiling ko ‘yan kay Lord na yun dapat ang laging nararamdaman mo and be grateful always sa mga blessings mo.

“Pero minsan siyempre, parang may mga hinahanap ka pa rin. Kasi, ‘di ba, endless naman ang wants ng tao?

"Pero yung needs naman natin, talagang ibinibigay ni God.

“There should always be a conscious effort to be grateful all the time.

“’Pag naging grateful ka, dun mo mararamdaman yung contentment, just always be grateful and thankful.

“’Pag nararamdaman mo na nagiging negative, have a conscious effort na maging positive ka.”

WELCOME 2015. Katulad ng mga nakaraang taon, ipinapasa-Diyos daw ni Alex kung ano man ang mangyayari sa kanya ngayong 2015.

Saad niya, “2014 is very unforgettable, not just for my career but also in my personal life.

“Parang feeling ko, nag-grow ako sa lahat ng aspeto ng buhay—spirituality, emotional…

"Sa lahat, nag-grow talaga ako.

“This 2015, whatever God wants me to be, lead na lang Niya ako dun.

“Kasi yung 2014, hinayaan ko na lang na si Lord ang magplano.

“And so far, one of the best years, and I know the best years to come.

“So, hayaan ko na lang na si Lord ang bahala.”


PRAYBEYT BENJAMIN. Isa sa magandang regalo kay Alex sa pagtatapos ng 2014 ay ang pangunguna ng The Amazing Praybeyt Benjamin sa takilya sa Metro Manila Film Festival 2014.

Sabi niya tungkol dito, “Siyempre hindi naman ako nag-doubt dun kasi Vice [Ganda] and Direk Wenn [Deramas], ‘tapos sinamahan pa ng Bimby and Sir Richard [Yap].

“Saka yung Praybeyt Benjamin, kumita na naman yun dati.

“Yun ang first movie na naka-300 million or 350 million yata, so ‘di na ako nag-doubt talaga.

“Pinag-pray ko, pero mayroon sa puso ko, feeling ko talaga na it will do well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa pinakahuling report, P397.3 million na raw ang total gross ng The Amazing Praybeyt Benjamin.


ALEX’S BOOKS. Ngayong taon naman ay lalabas ang pangalawang libro ni Alex pagkatapos maging matagumpay ng una niyang libro na Dear Alex, Break Na Kami, Paano? Love Catherine.

Kuwento niya, “Oo, magmi-meeting daw kami this January.

“May mga nasa isip ko na kung ano ang mangyayari—dating.

“In-expect ko na marami ang makaka-relate kasi for heartbroken siya, e.

“Nung heartbroken ako, lahat talaga pinapatos mo, ‘di ba? Kasi nga, desperada ka.

“Lahat ng makita mo, nakaka-relate ka kaya nga lahat ng kantang pang-heartbroken, sikat, kaya ko talaga nakuha ang idea na yun.

“Pero hindi ko alam lang na wala pang three months, next printing na kami, ganun kabilis.”

Dagdag niya, “Tatlo yun kasi ang mga in-entertain ko, pero may mga nanligaw sa akin na ‘di mo naman talaga gusto.

“Magri-research talaga ako. Tatanungin ko yung mga kaibigan kong lalaki, like sila Kuya Luis [Manzano], sila John Prats, si Robi [Domingo], daddy ko din. ‘Tapos mga advice sa akin ng daddy ko sa panliligaw.

“Siyempre tapos ka na dun sa heartbroken, so dun na ako sa paano ka kikilatis ng taong para sa iyo talaga.

“Yung third book ko, siya na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN