Jaya sends get-well message to Kuya Germs: "Bawal matulog sa ospital! Kailangang magpagaling ka agad, and just take your time."

Jaya is looking forward to a better year than 2014. "Last year was bittersweet for me... there were a lot of things that made you realize na life is too short," she says.


Kasama si Jaya sa New Year countdown ng GMA Network noong December 31 ng gabi, at noon pa raw ay may napupuna na siyang unusual kay German Moreno na naka-confine pa rin ngayon sa St. Luke’s Medical Center matapos itong magkaroon mild stroke.

Pahayag ng Queen of Soul, “Kasi si Kuya Germs maingay at saka lakad nang lakad nang lakad iyan. Pero that night, medyo tahimik siya.

"He was just in one place and then when he walked parang… kakaiba.

"Kaya ako talaga, 'Ay, hawakan niyo si Kuya Germs!'

“I just noticed he was slower and less yung kanyang pagka-jolly.

“But when he would host, talagang full energy siya.

"Professional talaga si Kuya Germs, wala akong masasabi.

"Kaya when I found out talaga na nagkaroon siya ng problema na slight mild stroke, napanganga ako.

“Kasi I found out through Facebook and then I thought it was a joke.

“And then, marami nang nagku-comment, kaya sabi ko, wow, hindi ko inakala na he would get to that point.

“Akala ko lang… pagod.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaya sa Sunday All Stars noong Linggo, January 4.


GET WELL MESSAGE. Balitang bumubuti na ang kundisyon ng beteranong TV host at wala na sa Acute Stroke Care Unit (ASCU), pero bawal pa raw tumanggap ng dalaw o bisita sa private room kung saan ito kasalukuyang nagpapagaling.

Kaya sa pamamagitan ng interview na ito ng PEP ay may mensaheng nais iparating si Jaya.

“Kuya Germs, huwag kang malulungkot dahil maraming-maraming nagdadasal for you.

“And ako, I pray and wish na ito’y isa lang…

"Siguro lahat tayo, physically, kapag may edad na, medyo manghihina talaga.

“And that is just one part of your life na alam kong malalampasan mo, because your faith in God is very strong.

“And a lot of us is praying for you. And babalik ka rin, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi talagang walang tulugan. Bawal matulog sa ospital!

“Kailangang magpagaling ka agad, and just take your time.

“Huwag masyadong magmadali, we’ll just all gonna be here waiting for you, hoping for the best for you.

“God bless you, Kuya Germs. We all love you.

“I love you. Mahal na mahal kita, Kuya Germs.

“Balik na agad kapag magaling na. Huwag kang magmamadali.”


HEALTH AND CAREER. Kapag nagsisimula ang isang panibagong taon, nauuso ang New Year’s resolution. Meron din ba siyang ganito?

Sabi ni Jaya, “Ang aking resolution is to keep healthy, because I’m not getting younger and my kids are too young.

“And I’m diabetic. So, ang dami kong dapat na i-look forward to pagdating sa health.

“Gusto ko rin na magkaroon ng maraming shows abroad. Isa pa ‘yon sa mga gusto kong gawin.

“Kasi dati madalas akong lumabas ng bansa.

"Ngayon, since my kids are getting bigger, madali na silang either iwan or isama.

“So, ‘yon, mga shows abroad.

“And I think, to do more soaps. Gusto ko rin talaga to concentrate on acting.

“Why not, 'di ba? Nagawa ko na rin siya dati.

“Ang pinakahuli kong ginawang soap ay ang Mga Basang Sisiw na luka-luka ang character na ginampanan ko, alam mo na!

“And crossing fingers, gusto ko ring mag-try ng indie film or any film.

“Gusto kong ma-try yung experience na ‘yon.

"Sabi kasi nila masarap talagang gumawa ng pelikula, gusto kong i-try.

“And, of course, yung album… meron kasi akong bagong app, it’s a Jaya app.

“But we’re still putting it together. Dapat before March, matapos na namin siya at maging functional na.

“It’s really a personal and interactive kind of app.

"So lahat ng ilalagay dun, puwede kayong mag-participate, parang ganyan.

“Yung questions, 'tapos may mga songs. Basta lahat nandun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BETTER THAN 2014. Does she expect 2015 to be an exciting year for her?

Sagot ni Jaya, “Of course, exciting lahat. You always have to look forward to everything, 'di ba?

“Kasi last year was bittersweet for me. I lost a baby.

“I had another surgical churva.

"Talagang… my mom was getting sick kasi matanda na.

“So there were a lot of things in 2014 that made you realize na life is too short.

"And I’m really keeping my feet stronger now with Jesus.

“Talagang marami akong dapat na i-look forward to, ganun talaga, e.

“Ganun ang buhay, 'di ba? Pagdadaanan nating lahat ‘yan.

“So, just gonna be stronger and have faith. ‘Yon lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN