Chynna Ortaleza denies being courted by a Kapuso newbie: “Sobrang imposible... Wala, walang nanliligaw sa akin.”

Chynna Ortaleza greets the New Year with good news: Her contract with GMA Network has been renewed for another three years and she is engaged in projects that make her creative spirit soar.


“Hindi ba mas maganda na single ka, pero maganda ka?”

Ito ang natatawang sagot ni Chynna Ortaleza nang tanungin kung bakit maganda pa rin siya kahit single siya ngayon.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Yun ang nakakalungkot, single ka na nga, hindi ka pa fresh.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Chynna sa presscon ng Second Chances, na ginanap sa Studio 6 ng GMA Annex, Martes ng gabi, January 6.

Naniniwala ba siya sa second chances?

“Ay, oo naman!” mabilis niyang sagot.

“Naniniwala ako sa second chance, pero parang biglang gusto ko ngang klaruhin yung konsepto ng second chance.

"Kasi, parang automatic sa tao na... ang referral agad, ibang tao or babalikan.

“Whereas, ang akin, ang konsepto ko, willing ka bang bigyan ang sarili mo ng second chance?”

Yung dati niyang boyfriend na si Railey Valeroso, willing ba siyang bigyan ito ng second chance?

Sagot ni Chynna, “Yung sa amin, puwedeng ganun, pero… ilagay natin sa process ko.

"Inisip ko talaga kung kaya ko bang bigyan ang sarili ko ng second chance, yung tingnan ang buhay nang panibago.

“Kasi mula pagkabata ko, mga 21 ako nang maging kami ni Deo [Railey]. Ang tagal nun, isang dekada yun.

"Naisip ko, 'Ito na ba ang gusto mong mangyari sa life mo?'

“So, binigyan ko ang sarili ko ng second chance to reassess kung happy ba talaga ako o hindi.”


NO SUITORS. Ipinagdarasal naman daw ni Chynna na kung bibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng bagong boyfriend, ang gusto raw niya ay ito na ang pakakasalan niya.

“Hindi naman lahat nasasagot ng pag-aasawa.

"Pero ako, kung may ibibigay sa akin si Lord na panibagong tao na mamahalin ko, ipinagdarasal ko siya.

"Kumbaga, Siya na ang bahala dun.”

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“Wala, walang nanliligaw sa akin!” natatawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ipinagtataka raw ni Chynna kung bakit siya na-link sa isang aspiring star ng GMA Artist Center at nailathala pa sila sa isang online blog.

“Ang weird! Sabik ba yung mga tao na bigyan ako ng dyowa?

"Ang alam ko lang, bago po siyang artista na bagong pasok sa Artist Center.

"Sobrang imposible. Pinotoshop [Photoshopped] lang yung picture ko.

“Sinend ko pa nga sa handler ko yung original photo nun na kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Actually, nahihiya nga raw po ang guy.

"Hindi ko pa siya kilala. Hindi ko nga rin alam ang pangalan. Sorry po ha…”


GOOD NEWS. Sa 2015, ano ang mga nilu-look forward niya?

“Well, may good news ako—I’m gonna stay with the network," sabi ni Chynna, na ang tinutukoy ay ang GMA Network.

"That’s good news because I didn’t know if they would still accept me.

"And happy ako, it’s the same contract.

"Thank you, Lord, meron akong three years with them ulit.

“At sana, ipinagpi-pray ko, more movies.

"Sa television, ibigay na natin yun, palagi naman nila akong binibigyan ng proyekto.

"Pero sana, mabigyan pa ng mas magagandang pelikula.

“At nagdasal ako noong nag-Simbang Gabi ako na, sana, tuluy-tuloy ang flow ng creativity sa akin this year.

"Bigla-bigla ang sagot, nakakatakot!

"Sabi ko, after kong magdasal, 'Bakit ang bilis?'” natawa niyang sabi.

Behind the scene daw ang ibinigay na sagot sa dasal niya.

May ginawa raw siyang siya ang may hawak ng camera. At involved din daw siya sa ginagawang album ni Glaiza de Castro kunsaan magtatrabaho siya behind-the-scenes.

“Ako ang magsu-shoot, ako ang magdidirek, at ako ang mag-e-edit. Parang, pretty much, ikaw ang bahala diyan.”

Ang pagkakaroon ng bagong lovelife, hindi kasama sa gusto niyang mangyari ngayong 2015?

Sagot ni Chynna, “Hindi siya kasama!

“Kumbaga, hindi naman ako bokya, meron namang mga nagkaka-crush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa, wala… maraming pagmamahal galing sa ibang source. Na ang dami pala!

"Masyado lang akong puro romansa ang naiisip ko dati, meron pa pala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN