Manilyn Reynes stunned, praying for recovery of Kuya Germs

Manilyn Reynes is the only one in her family active in showbiz. Her husband Aljon Jimenez has been turning down projects. "Mahiyain, e." And her sons? "Mahihilig kumanta at sumayaw at mag-entertain. Pero... kung kung gustong mag-artista at gustong humarap sa camera, hindi."


Dahil parang pangalawang ama na niya si German Moreno, talagang nabigla raw ang aktres na si Manilyn Reynes at maging ang asawa nitong si Aljon Jimenez nang malaman ang balitang na-mild stroke ang veteran TV host noong nakaraang linggo.

Read: German Moreno suffers mild stroke

Sabi ni Manilyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, January 4, “Actually, ano… tumahimik kami ng asawa ko.

“We found out, nasa fishing kami, so nalaman nga namin yung balita.

“Kaya katahimikan. Siguro mga ilang minuto rin iyon, ganun.

“And then we started praying for Tito Germs, magpapa-healing mass din kami for him.

“Actually, kami ng husband ko and yung ibang mga kasamahan namin sa That’s Entertainment before, I’m sure gagawin din nila yung ganun.

“No doubt about that.

"Medyo hiwa-hiwalay lang kami, pero alam niyo naman kung gaano namin siya kamahal."


WORRIED. Bagamat bumubuti na ang kundisyon ni Kuya Germs, hindi pa rin daw maiwasan ni Manilyn na makaramdam ng pag-aalala.

“Alam naman namin na conscious din naman siya, but you just don’t know kasi what’s going to happen, e.

“Iyon lang talaga, yung ‘pag hindi mo talaga alam kung ano ang mangyayari.

“Nung nalaman nga namin, talagang natahimik kami ng husband ko. Iniisip mo yung tao.

“'Tapos, alam mong wala ka namang ibang magagawa kundi ang magdasal.

"At iyon naman ang unang-unang papasok sa isip mo at sa puso mo—ang magdasal.”

Dahil wala pang pagkakataong madalaw niya ang Master Showman, sa pamamagitan ng panayam na ito ay isang mensahe ang gustong ipaabot ni Manilyn.

Ani Manilyn, “Hindi lang po galing sa akin kundi mula rin kay Aljon dahil pareho nga kaming galing ng That’s Entertainment.

"At siyempre, mula sa mga bata [mga anak nila ni Aljon] rin.

“Ipinagdarasal po namin, Tito Germs, na mapabilis po ang paggaling ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto naming pumunta sa ospital, pero hindi pa nga raw allowed ang visitors.

“Ang sa amin namin is… gusto naming dalawin siya para suporta, na nandun kami para sa kanya.

“Kahit yung hindi man magkita. Hopefully, makita niya kami.

“Pero kung hindi pa rin talaga pupuwede, okey lang basta nandun kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN