Dolphy properties to be sold via live auction

Eric Quizon explains selling of property investment of his late father, Comedy King Dolphy: “Inu-auction namin yung mga properties kasi ’yon yung somehow may value. Then, somehow, ’yon ang makaka-generate ng funds para makapagpatayo kami ng museum.”


Ipasusubasta ng pamilya ng yumaong King of Comedy na si Dolphy ang ilan niyang lupain sa pamamagitan ng live auction sa Dolphy Theater, sa ABS-CBN compound, sa January 31.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol kagabi, January 7, tinatayang 29 properties mula Baguio, Cavite, Batangas, Rizal, Bulacan, Laguna, at Samar ang naitala ng HMR Auctions.

Ang mga ito ay may kabuuang halaga na aabot sa higit na P300 million.

Sa panayam sa anak ni Dolphy na si Eric Quizon, sinabi niyang napagdesisyunan nilang gawin ang auction para maipagpatuloy ang legacy ng kanyang yumaong ama, kabilang na ang Dolphy Foundation.

Paliwanag ng actor-director, “Inu-auction namin yung mga properties kasi 'yon yung somehow may value.

"Then, somehow, 'yon ang makaka-generate ng funds para makapagpatayo kami ng museum."

Nilinaw sa ulat na magiging pantay-pantay ang makukuha ng lahat ng 18 anak ni Mang Dolphy mula sa auction.

Samantala, wala namang makukuha ang naiwang partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla, ina nina Zia at Nicole Quizon.

Sabi pa ni Eric, "Binubuksan po namin ang auction na ito sa lahat ng gustong sumali. Parang gusto natin mabigyan ang lahat ng chance."

Magsisimula ang registration para sa auction at viewing para sa properties sa January 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN