KC Concepcion on her relationship status: “Ayokong i-announce hangga’t hindi pa serious.”

Amidst rumors saying KC Concepcion is allegedly in a relationship with Paulo Avelino, the actress announced on social media that she won’t announce that she is in a relationship unless she is sure that it’s for the long haul.


Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@kc_concepcion), naglunsad si KC Concepcion ng question-and-answer segment sa kanyang followers kaninang umaga, January 8, Huwebes.

Ang nasabing Q&A segment ay tinawag niyang "#AskKC."

Sa nasabing game, isang fan ang nagtanong sa aktres kung may boyfriend na siya.

Sagot ni KC, hindi niya ito isasapubliko hangga’t hindi niya natitiyak na seryoso ito.

Nali-link ngayon si KC kay Paulo Avelino, ang kanyang leading man sa ongoing morning series sa ABS-CBN, ang Give Love on Christmas: The Exchange Gift.

Sa ilang interviews, hindi naman direktang sinasabi ng dalawa na may relasyon na sila, pero hindi nila itinatago ang kanilang pagiging malapit.

Sa isang press conference noong December, sinabi ni KC na maganda ang “friendship o connection” nila ni Paulo at hindi niya masasabi kung saan hahantong ang kanilang magandang samahan.

Read: KC Concepcion on entering relationship with Paulo Avelino: “Siguro po, timing is everything talaga."

SHOOT THAT BALL. Samantala, sa nasabi ring Q&A online, natanong si KC kung sinubukan niya ba ang sport na basketball.

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, sinubukan na niya ito ngunit mas nahilig siya sa soccer.

Ganunpaman, tinuruan daw siya ni Chandler Parsons ng basketball.

Sinagot naman ito ni Chandler at sinabing isang “natural” si KC sa nasabing sport.

Matatandaang na-link si KC sa NBA player mula sa Houston Rockets team noong 2013.

Nagkasama sina KC at Chandler sa isang group date noon, kung saan kasama rin ni KC ang kanyang dalawang half-sisters na sina Garie Concepcion at Cloie Syquia-Skarne.

Pero nilinaw ni KC na tanging pagkakaibigan lamang ang namagitan sa kanila ni Chandler.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN