Raymart Santiago a hunk at 41; willing to do Cosmo Bash if time will allow

Raymart Santiago is shunning any romantic entanglement until his custody battle with estranged wife Claudine Barretto is resolved. “Sira ang buhay ko ngayon, ayoko naman na pasukin ko yung buhay na maging kami, e, sisirain ko rin ang buhay niya,” he says.


Sa ipinakitang trailer ng Second Chances sa presscon nito noong Martes, January 6, may mga eksenang shirtless si Raymart Santiago.

Marami ang nagulat at humanga na sa edad na 41, maganda pa rin ang pangangatawan ng Kapuso actor.

Unang beses na ginawa ni Raymart na maghubad sa harap ng kamera, at dalawa o tatlong eksena pa ang ipinakitang shirtless nga siya.

Paano siya napapayag ng direktor nilang si Laurice Guillen na maghubad?

“Makakahindi ka ba sa kanya!” natawang sagot ni Raymart.

Hindi naman daw preparasyon para sa “sexy” scenes ang pagwu-workout niya sa gym.

“Actually nag-gain na nga ako ng weight. Mas okay pa yung dati, nung pinuntahan niyo ako sa taping.”

Mas payat nga si Raymart last year nang pasyalan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang taping niya.

“Yun, strict diet ako nun.”

Kung tutuusin, marami siyang tataluning younger male stars kung pagandahan ng katawan ang labanan.

“Ganun?” natawang reaksiyon lang ni Raymart.

Hindi naman daw siya nailang habang kinukunan ang topless scenes niya.

“Puwede na ba, pang-forty-one, puwede na?”

Kung aalukin siya na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash, papayag siya?

Sagot ni Raymart, “Ngayon, hindi muna.

"'Pag binigyan ako ng oras. Bakit hindi, 'di ba?

"Pero kailangang paghandaan, dapat paghandaan iyon."


BROKEN. Ayaw din muna raw magmahal ni Raymart ng ibang babae.

Paliwanag niya, “Sira ang buhay ko ngayon, ayoko naman na pasukin ko yung buhay na maging kami, e, sisirain ko rin ang buhay niya.”

Paano kung ang bagong mamahalin niya ang bubuo muli pala sa kanyang buhay?

“Hindi sa ganun, parang marami pa akong mga kaso-kaso na ganun.

"Ayoko namang madamay kung sinuman yung darating," diin niya.

Pero hindi napipigil ang puso, hindi ba?

Natawang sabi niya, “Oo, pero may korte... Ang puso, okay lang, e, ang korte nandiyan.”

Kaya sarado muna ang puso niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, oo.”

Hanggang kailan?

“Hanggang matapos siguro.”

Kailan ba matatapos?

“Naku, hindi ko rin alam!

"Yung custody nga hindi pa tapos, e.

"So, medyo malayu-layo pa ang lalakbayin."


NOT FRIENDS. Samantala, sa tanong namin kay Raymart kung magkaibigan ba sila ngayon ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto, isang mabilis na “No!” ang sagot niya.

Wala ring communication?

“Wala… well, minsan nakakausap, minsan yung text, 'tapos one time nakausap ko.

"Na basta yung sa anak ko, na dadalhin sa ospital, papa-check up, yung ganun lang.

“Oo, basta sa mga bata.”

Hindi raw sila nagpalitan ni Claudine ng Christmas greetings nitong nakaraang Pasko at kahit nitong nakaraang New Year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN